Chapter 12

712 33 0
                                    

Chapter 12

Fatima's POV

Maaga akong pumasok para makapunta agad sa library. Pero bago iyon kailangan ko munang pumunta sa locker ko para maisauli ang hiniram kong libro nung nakaraan.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng may marinig akong umiiyak. Kinilabutan ako dahul kaunti lang ang tao na dumadaan dito.

Luminga-linga muna ako para tingnan kung sino ito pero wala. Pinagpatuloy ko nalang ang paghahanap at mas lumakas ang iyak niya.

Isinara ko ang locker ko at napahiyaw sa nakita. “Ay palaka ka!” napahawak ako sa dibdib at tiningnan si Stacey. Bakit siya umiiyak?

“Stacey? Anong nangyari sayo? B-bakit may dugo iyang mga tuhod mo?” lumapit ako sa kanya para alalayan siya pero tinulak niya ako ng malakas dahilan ng pagkasalampak ko.

“Ano bang problema mo!?” bulyaw ko dahil masakit talaga sa puwet. Mas lalo lang lumakas ang iyak niya. “Jonas! Ayan siya oh!” tumayo agad ako ng makita si Jonas at ang mga alipores ni Stacey.

Lalo siyang umiyak at sumandal pa talaga kay Jonas. “J-jonas! Sinaktan ako ng babaeng iyan oh! Tingnan mo! Sabi ko lang kasi na huwag niya akong awayin dahil may gusto siya sayo! Gusto niya tayong paghiwalayin tapos ginawa niya sa akin to!” hindi ako makapag-salita sa mga nangyayari.

Ako? Sinaktan siya? Aba loko pala to e! Kakarating ko nga lang galing bahay tapos sasabihin niyang ako may gawa non!?

“Fatima totoo ba?” mahinahon pero alam kong galit na sabi niya. “Jonas—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumigaw siya. “Fatima oo o hindi lang!” this time masasabi kong galit na talaga siya.

Hindi nga? Totoo ba ito? Mas papaniwalaan niya ang babaeng iyon kaysa sa akin na bestfriend niya at halos 10 taon na magkasama?

“Hindi Jonas—” binuhat niya si Stacey at pinanlisikan ako ng mata. “I don't wanna see your face anymore!” sigaw niya sa harap ko at dinala si Stacey sa clinic.

Unti-unti ng lumuha ang mga mata ko. How dare he...he's imposible! Kita ko ang tinginan ng mga tao. Ang iba ay natatawa at iba naman ay naaawa. Probably nakita nila ang totoo pero ni-isa sa kanila walang nagsabi non.

E sino ba naman kasi ang kakampi sa isang tulad ko? Sige nga isipin niyo hahaha! Pinunasan ko nalang ang luha ko at napagpasyang huwag ng tumuloy pa sa library. Wala na e sira na ang araw ko. Thanks to that crazy girl! Paano kaya siya natitiis ni Jonas??

Tumuloy nalang ako sa classroom at di parin maiwasan ang pagluha. He's imposible! Paano niya magawang ipagpalit ang pinagsamahan namin!?

Buong klase ay lutang ako. Puro nangyari lang kanina ang nasa isip ko, siguro kailangan ko munang mag cutting ngayon para makapag isip-isip.

Maiintindihan naman siguro ni mama kung bakit ko to gagawin. Saktong pag tunog ng bell ay mabilis akong lumabas.

Saan naman kaya ako pupunta nito? Bahala na!

Papalabas na sana ako ng gate ng may biglang humigit sa braso ko. “Ano ba??” lumingon ako sa gumawa non dahil patuloy parin siya sa pag kalad-kad sa akin.

Tiningnan ko ang likod niya. “C-cole?” tumingin siya sa akin at ngumiti. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Teka heart huwag kang lalabas!

“San mo ba ako dadalhin?” walang ganang tanong ko. “Gusto mong umalis diba? Gusto mong magpakalayo-layo.” huminto kami at napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman ang gusto ko?

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now