Chapter 13

743 28 0
                                    

That Fatty Girl

Chapter 13

Fatima's POV

"Hey there love birds nandito na tayo." rinig ko ang pag-ngisi nung dalawa sa harap kaya agad kaming naghiwalay ng yakap.

"S-sorry..." nauutal at hindi makatingin na sabi ko kay Cole. "I-it's okay." nauutal rin siya, bakit?? "Sige una na kami." bumaba na ako nung kotse nila ganundin si Mila.

Hinintay muna namin silang umalis bago kami pumasok ng bahay. I sigh. "Ayos ka lang?" tumingin ako kay Mila. "Im fine." tipid akong ngumiti sa kaniya. Hindi ko parin kasi makalimutan ang nangyari kanina.

"C'mon let's talk. I know that you have a problem." hinila niya ako papasok ng bahay. Pumasok muna kami sa kaniya-kaniyang kuwarto upang makapag bihis.

Tiningnan ko ang itsura sa salamin. Kahit papaano naman pala ay bumagay sa akin ang hoodie ng ugok na iyon. Hindi ko na muna hinubad iyon at pinalitan nalang ang aking palda sa pajama.

Saktong paglabas ko ay lumabas na rin si Mila. "Tara?" Aya niya at pareho kaming nagtungo sa sala. Siya nga pala tulog na si mama kaya tahimik dito sa bahay. Lol

"Okay...tell me." sabi niya. Napasandal nalang ako sa sofa. "You know Jonas and I are very close right?" pagtatanong ko. Kumunot naman ang noo niya. "Oo, halos hindi na nga kayo mapaghiwalay lalo na nung bata pa e. Oh ano naman yun?" napabuntong hininga nanaman ako.

"I think...lahat ng yon ay mawawala na." malungkot kong tugon. "Just straight to the point Fatima." seryosong sabi niya. "May girlfriend na siya, at yung girlfriend niya na yon ay ang bumu-bully sa akin. Siya ang dahilan kung bakit ako nag viral, kinulong din niya ako sa banyo nung isang araw. Tapos kanina siya din yung naging dahilan kung bakit nagalit sa akin si Jonas." pagkukuwento ko.

"What!? Why? Anong ginawa nung babaeng yon?" pagtatanong niya. "Pinalabas niyang sinaktan ko siya. Actually kaya ko nayakap si Cole kanina ay may video pala siya kung paano naloko ni Stacey si Jonas." napahilot siya sa sintido niya.

"Anong reaksiyon ni Jonas? Don't tell me mas pinaniwalaan niya ang babaeng yun kesa sayo!?" ramdam ko ang pag kainis niya. "Then I won't tell you." she look at me with a 'SERIOUSLY' look.

"E gago pala talaga ang isang iyon e!" sigaw niya. "No wonder kaya hindi kami nagtagal." I look at her. "Eh?? Hindi ba ikaw naman ang may gusto non? Ang sabi mo ay space lang pero hindi mo na siya bina-" napahinto ako ng bumaling ang tingin niya sa akin, sobrang sama.

"Okay okay I'm sorry." napatahimik nalang ako. "Meron ka pang ikukuwento sa akin. Bakit magkasama kayo nung kapatid ni Calyx?" pagtatanong niya. "Hindi kaba nakikinig kanina sa sinabi niya?" sarkastikong tanong ko.

"Tss pilosopo." rinig kong singhal niya. "Teka boyfriend mo ba yun?" pagtatanong niya ulit. Ako naman ay nasamid sa sariling laway. "H-hindi noh!" sigaw ko.

"Oh bakit masyado kang defensive?" nakataas kilay na tanong niya. "We're just friends. Nag sorry lang yung tao kaya magkasama kami." kumunot nanaman ang noo niya.

"Bakit siya nag so-sorry?" pagtatanong niya, hays heto nanaman siya. "Dahil nagkasagutan kami nung isang gabi." sabi ko, siguro tama din naman na sabihin ko sa kanya na ang nanay ng boyfriend niya ay ang mistress ng papa ko.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." unti-unti akong nagseryoso. "Ang mom ng boyfriend mo is ang mistress ng papa ko." agad namang napa 'o' shape ang bibig niya.

"S-so it means...step brother mo sila-" agad ko siyang tinigil. "Step brothers!? The heck! Hindi pwede dahil hindi pa naman annul si Mama at Papa! Ganon din sa mga magulang nila!" sigaw ko.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now