Chapter 35

539 22 0
                                    

That Fatty Girl

Chapter 35
Warning: Medyo hindi SPG pero SPG talaga siya.

Reminder: this is my last update for 2019.

Cole's POV

Nagpahinga lang kami ng limang minuto bago kami nag-ayos para makapasok na sa kompanya niya.

Pero bago iyon syempre kinain muna namin ang Jollibee na nanlamig na habang kami kanina ay nag iinit. Tsk tsk tsk...

Pagkatapos naming kumain ay nauna na akong bumaba sa kanya. Tinapon ko muna sandali ang pinagkainan namin at pag-balik ko ay wala parin siya sa labas.

Sinilip ko siya at parang nahihirapan siyang tumayo. I smirk and look at her. Now she can't walk...napailing ako sa sariling naisip.

“Hey do you need help?” tanong ko at nakita ko ang pamumula niya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-dali siyang binuhat ng pa bridal-style.

“Are you sore down there?” bulong ko sa kanya. 5 na kaya madami na ang tao sa kompanya at ayun gaya ng inaasahan ko nakatingin nanaman sila sa amin.

But I don't really mind them looking at us, natutuwa pa nga ako para alam nila na I'm off limits and this girl is also off limits.

Mas lalong naging pula ang mukha niya. Hindi parin siya sumasagot kahit na pababa na kami sa underground, ganito ba talaga ang mga babae pagkatapos non?

Kung ganon parang ayoko ng ulitin, ayoko nung hindi niya ako kinakausap, I hate it. Pagkarating namin ay may kanya-kanya ng ginagawa ang iba.

Inupo ko siya sa sofa at lumapit sa amin si Lath. Oh nandito pala to. “Oh? Anong nangyari diyan?” tanong niya. Tumingin ako kay Fatima na nag lalayo ng tanaw at namumula.

“Wala, leave us." Sabi ko at ginawa naman niya. Lumuhod ako sa harap niya para mapantayan ko siya. “Are you okay? Do you want me to take you to hospital?” tanong ko.

Umiling siya at dahan-dahang tumayo. Inalalayan ko siya, “Don't force yourself My.” sabi ko sa kanya. “H-hindi pwedeng maupo lang naman ako habang bumabaril diba?” aish! Oo nga pala. Kaya nga pala kami nandito.

“It's almost six kaya kailangan na nating mag training para...” napahinto siya. Tumaas ang kilay ko at tiningnan ang mukha niya. “Para sa round 2?” nakangising tanong ko.

Hinampas niya ako. “Sira! Para makapag simula na ulit tayo sa susunod na hakbang kasi diba nga walang training ng Monday to Friday!” sigaw niya at naglakad-lakad. Para tuloy siyang tanga sa ginagawa niya, para siyang batang nagsasanay maglakad at ako naman yung tatay niyang naka-alalay sa kaniya. Tsk!

Nagpatuloy lang kami sa ganon nang biglang may tumawag sa akin. Tiningnan ko si Fatima at tinaas ang tumutunog kong cellphone.

Tumango lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Bahagya akong lumayo para sagutin ang tawag pero nanatili akong nakatingin sa kanya.

“Hello?” bungad ko. “Annyeong Cole-ssi.” ngumingising bati sa akin ni Dad. Napailing ako. “What is it Dad?” pagtatanong ko.

“Are you free this lunch?” napakunot ang noo ko. “Why?” syempre kailangan ko muna ng dahilan bago sabihin kung free ba ako mamaya dahil may training pa kami ni Fatima.

I heard him chuckle. “Just wanted to talk to you with a very important thing.” seryosong sabi niya sa kabilang linya. Bago pa man ako makasagot ay nagsalita na ulit siya.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now