Epilogue

983 29 0
                                    

That Fatty Girl

Epilogue
By: xtraordinary_gurl

“Teka Zaalia, saan ba kasi tayo pupunta?? Wala ngang tao dun sa bahay umalis sila mama walang mag babantay.” inis kong usal kau Zaalia na ngayon ay hinihila ako palabas ng bahay.

She even force me to wear this white dress! Baka mamaya makita pa kami ni Cole, hindi niya ako pinapayagan na mag dress kapag hindi siya kasama.

“Basta sumama ka nalang sa akin. Ma la-late tayo niyan e!” inis narin niyang usal sa akin. Siya naman ay naka dress din pero light blue ito.

Hinila niya ako sa kotse niya at pareho kaming sumakay sa likod. May driver kasi siya dahil hindi pa siya sanay may drive.

“Manong tara na ho.” sabi niya sa driver at agad naman siya nitong sinunod. Nang umandar na ang kotse nilingon ko siya.

“Ano? Saan ang punta natin?” walang emosyon kong tanong. “Secret malalaman mo din.” nakangising sabi niya at nilagyan ng red na lipstick ang labi niya.

“Oh ikaw naman.” lalagyan niya sana ako kaso pinigilan ko siya. “Huwag! Ayoko ng ganiyang kulay. Gusto ko pink.” reklamo ko, napairap naman siya pero naglabas narin ng pink.

“Thanks, pahiram salamin.” binigay niya sa akin ang salamin na kanina niyang hawak. Doon maingat kong nilagyan ng lipstick ang aking labi.

Binalik ko na sa kanya ang mga ito. “Ayaw mo mag kilay or what?? May dala ako oh.” pag-aalok niya sa akin pero umiling ako.

“Huwag na, ayoko niyang mga yan.” sabi ko at tumahimik nalang. Makapal naman na ang kilay ko at tama lang ang naging pag sabog nito.

Pati narin ang pilik mata ka na parang naglagay pa nga ako ng mascara dahil sa kapal at haba. Kuntento na ako sa itsura ko, kung si Cole nga minahal ako ng walang kolorete sa mukha e.

Ano nga pala ang ginagawa ng ugok na iyon? Baka nambabae na iyon ah. Joke lang! Alam ko naman na hindi magagawa ni Cole iyon e, baliw sakin yun e.

Pero kahit na gusto ko parin siyang i-text. Dinukot ko ang cellphone ko sa sling bag ko at sinimulan ng mag type.

Ako:

Hello, good morning Di nasaan ka?

Ilang minuto pa bago siya nakapag reply.

Di ❤️:

Sorry Mi, busy ako e may pinapagawa si Dad sa kompanya.

Bigla naman akong nalungkot.

Ako:

Ah ganun ba? Sorry sa abala sige, galingan mo ah.

Nakangiti kong reply. Pero pamaya-maya ay hindi na siya nag reply pang muli. Baka nga busy talaga siya.

Napanguso nalang tuloy ako. Binalik ko nalang ulit iyon sa sling bag ko saka tiningnan ang labas kung nasaan na kami.

Teka...malapit sa ano toh ah, sa—bigla kaming huminto sa istasyon ng mga barko. Teka? Aalis ba kami??? Saan naman kami pupunta???

“Zaalia a-anong ginagawa natin dito??” tanong ko pero mabilis siyang nakababa kaya sinundan ko na siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila nanaman ako. “Zaalia saan nga kasi tayo pupunta.” tanong ko pero hindi niya ako kinibo. Nagpahilahod nalang ako sa kanya sa— “Wait! Wait! Wait! Wait! A-anong...nasisiraan ka na ba?? Ni hindi ka pa nga bumibili ng ticket sa-sakay ka na agad diyan sa malaking barko na iyan??” bulyaw ko sa kanya pagkatapos kong bawiin ang kamay ko.

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now