Chapter 29

543 22 0
                                    

Chapter 29

Reighnity's POV

Pag-katapos namin mag dinner kagabi kila Cole inaya niya akong sa bahay na niya matulog. Syempre dahil babae ako ay hindi ako pumayag, sumosobra na siya pinagbigyan ko na nga siya e.

Kaya heto ako ngayon sa bahay, umiinom. Wala lang gusto ko lang bakit ba? Sa kalagitnaan ng paginom ko ay biglang nag ring ang cellphone ko.

Tiningnan ko iyon at...‘Maam Stacey calling’ umayos ako para sagutin ito. Wala naman si Aaron kaya baka pwede ko nang sagutin.

“Hello?” bungad ko sa kaniya. “Oh? Buti buhay ka pa! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Ha!?” nilayo ko ng kaunti ang cellphone sa tainga ko.

“Nasira yung phone ko ngayon lang ulit nagawa. Bakit?” tanong ko. “Whatever! So ano na ang plano mo ha? Tutunga-nga ka nalang!?” napairap ako.

“Bakit hindi mo nalang sila pabayaan?” mahinahong tanong ko na nakapag-patahimik sa kaniya.

Pero pamaya-maya pa ay bigla nalang siya tumawa ng malakas. May sapak na talaga sa utak ang isang ito.

“Ako? HAHAHAHA!! Bakit ko naman gagawin iyon!? Ha!? I know that Cole isn't serious about his relationship with Fatima! She is just one of his toys!” sigaw pa niya.

Yeah toys, bakit hindi niya tanggapin na siya yung ginawang laruan sa kanilang dalawa? Napailing nalang ako.

“Hey are you still there?” pagtatanong niya. “Yes.” maikling tugon ko. “Come here, I'll just discuss something.” pagkasabi niya non ay pinatay na niya ang tawag.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inasta niya. Aaron wants me to stay away from Stacey! Ahh! Pano nato!?

Sabihin ko nalang kaya sa kaniya? Oo tama. Sasabihin ko nalang. I dialed his number pero naka-ilang ring na ay hindi parin niya sinasagot.

Palakad-lakad na ako dito sa loob ng bahay ko dahil nakaka 30 tawag na ako ay ni-isa sa mga iyon ay hindi niya sinagot.

The fvck is his problem!? Kinakabahan na ako! Sa huli ay naisipan kong puntahan nalang siya sa kanyang bahay.

Sobrang bilis ang naging patakbo ko sa motor ko. Hindi ko na iniinda ang busina at reklamo ng mga tao.

Pagkarating ko sa bahay niya ay sarado ang gate wala din ang kanyang kotse. Nasaan ba ang lalaking iyon!?

Hindi ko na alam ang gagawin kaya naisipan kong tawagan nakang si Fatima. Binigay niya sa akin ang number niya kagabi habang nagluluto kami.

“Hello?” bungad niya sa kabilang linya. “F-fatima...alam mo ba kung nasaan si Aaron?” nauutal pang tanong ko. “Si Aaron? Hindi e. Bakit? Ano ba ang nangyari?” pagtatanong niya.

Huminga ako ng malalim. “I've been calling him multiple of times pero hindi siya sumasagot. Pinuntahan ko naman siya sa bahay niya pero wala siya dito.” pagpapaliwanag ko.

“G-ganon ba? Hmm...nasaan ka?” pagtatanong niya. “Nandito sa bahay niya.” sabi ko. “Sige pupunta na kami diyan ni Cole.” pagkatapos non ay pinatay na niya ang tawag.

Naalala ko pinapapunta nga pala ako ni Stacey sa kaniya pero hindi ko naman pwedeng pabayaan nalang si Aaron. Hindi ko alam kung bakit ako nag pa-panic, masama kasi ang pakiramdam ko e.

Umupo ako sa labas ng bahay niya at doon naghintay kila Fatima o di kaya...sa kanya. Hays Aaron bakit mo ba ako pinag-aalala ng ganito?

That Fatty Girl  Rivera Series#1Where stories live. Discover now