One

5 1 0
                                    

SYNOPSIS:

Para kay Angela, o mas kilala sa tawag na Gel--because 'Angela' was too feminine for her taste--siya ay isang adan na nasa katawan ng isang babae. Bagaman at babaeng-babae ang kanyang anyo, lalaking-lalaki naman ang kanyang puso.

Umibig siya sa isang kaibigang babae, kay Kate na kanyang childhood friend. Niligawan niya ito, at laking tuwa niya nang pumayag ito na magpaligaw. Enter Brylle na sa unang engkuwentro pa lang nila ay labis na niyang kinainisan. Naging karibal niya ito kay Kate.

Ngayon, siya ay nag-aalala na baka si Brylle ang piliin ng babaeng minamahal at hindi siya. Idagdag pang isa siyang miyembro ng LGBT community. At may isa pang makulit na babaeng nais raw siyang maging jowa. Ang pagkakataon ay nakikita niyang mukhang pabor sa kanyang karibal kay Kate.

Karibal na magkakaroon ng napakalaking kaugnayan sa kanyang buhay.

© FlowerNeverBloom
© Maya Reeves

Ang akdang ito ay pawang kathang-isip lamang. Anuman ang pagkakatulad sa totoong pangyayari at tao, patay man o buhay ay nagkataon lamang.

Walang sinuman ang pahihintulutang kumuha ng kopya ng akdang ito sa anumang paraan nang walang permiso sa may-akda.

Kung sakaling makikita ninyo ang nobelang ito sa ilalim ng IBANG PANGALAN O ACCOUNT, mangyari po sanang ipagbigay alam agad sa inyong lingkod. Ang mga akda ko ay DITO lamang sa Wattpad ninyo mababasa at hindi sa anumang porma ng online reading app.

Do your own story. Mind your own story

Maraming salamat po.

This is MY ORIGINAL MASTERPIECE. The ideas are ALL FROM MY WILDEST IMAGINATION, excluding some known facts.

SO
PLEASE..

NO

PLAGIARISM!

ALAM N'YO YUNG FEELING NA PINAGHIRAPAN MO, KINOPYA LANG NG IBA AT IKI-CLAIM NA KANYA?

YUN YUN MGA BESH!

OKAY,

READ ON!

E N J O Y ! !

😘😘😘


All rights reserved
-10 November 2019-









"Aaangelaaaa!"

Asar na pinagtatanggal ni Angela o mas kilala sa tawag na Gel sa mga kakilala, ang earphones na nakapasak sa kanyang mga tainga. Kaaga-aga ay nag-iingay na naman ang kanyang Tiya Munda.

"Ange-!"

"Nariyan na po!"

Halos magkasala-salabid ang kanyang mga paa sa pagmamadali habang hinahagilap ang tsinelas sa ilalim ng kama.

Kulang na lang ay liparin niya ang sampung baitang ng hagdang kahoy para makababa na siya agad.

"Bakit po, Tiyang?"

"Anong bakit?? Aba, kanina pa kita tinatawag ah? Babad ka na naman sa kaseselpon!"

Napakamot siya sa batok. "May kailangan po kayo?"

"Kunin mo ang mga softdrinks at beer na order ko kay Mang Baste, hindi makakapunta ang delivery boy nya ngayon! O hayan, nariyan na lahat sa listahan." Isinalpak nito sa kanyang dibdib ang isang kapirasong papel at ang ilang perang papel. "Ito ang pera. Lumakad ka na. Bilisan mo!"

Inilahad niya sa tiyahin ang kanyang kamay.

"O, ano pang itinatanga-tanga mo riyan? Arya na!"

Pinigilan niya ang sarili na sungalngalin ang bibig ng babae. Kung makasigaw akala mo nasa labas siya.

"Ang susi po ng trike, tiyang."

Pero kailangan pa rin niyang galangin ito. Si Tiya Munda ang kumupkop sa kanya nang maulila siya sa magulang.

Kinuha nito ang isang bungkos ng susi at padaskol na isinalpak sa palad niya. "Bilisan mo!"

"Opo."

Matapos pasadahan sa naraanang full length mirror ang kanyang itsura ay dali-dali na siyang lumabas sa garahe para ilabas ang trike ng tiyahin. Isa iyong motorsiklo na pinalagyan ng side car para gawing delivery vehicle.

"Hi, Gel!"

Kinawayan niya at matamis na nginitian si Mary Kate na nadaanan niya. Sumenyas siya ng 'mamaya na lang' dito at tumango naman ito. Si Mary Kate, o mas kilala sa tawag na Kate ay ang kanyang childhood friend at babaeng nililigawan. Ito ang kauna-unahang babae na pinagtapatan niya ng pag-ibig.

Napakabait nito sa kanya. Umaasa siyang tutugunan din nito ang kanyang pagsinta. Tanggap siya nito kung ano siya.

Siya, si Angela De Guzman, mas kilala sa tawag na Gel, ulila sa magulang, ay isang TIBO.

~~

HELLO!

Isang panibagong handog na naman ito para sa inyong lahat, dear readers. Sana ay muli ninyong tangkilikin kagaya ng pagtangkilik ninyo sa tatlong nobelang ginawa ko.

Sana maibigan ninyo.

Share, recommend and.. vote! 🤗😘

Two Of Us [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon