Fourteen

0 1 0
                                    

Hinawakan ni Gel si Megan sa mga balikat para humiwalay rito pero mas lalo lang nitong inilapat ang sarili sa kanya.

Hindi niya alam na may itinatago palang lakas ang babaeng ito na hindi naman masasabing malaking tao.

Mulagat na mulagat ang kanyang mga mata, iyon bang kulang na lang ay maalis na ang mga iyon sa eye sockets niyon.

Hmft!" Her attempt to break her lips free was futile.

"Gel??"

Naging tila power surge ang tinig ng nagulantang na si Kate para makalayo na siya ng tuluyan kay Megan.

"Kate.." Pinunasan niya gamit ng neckline ng t-shirt niyang suot ang mga labi niyang basa mula sa halik ni Megan. "Kate, let me explain."

Hindi na niya pinansin si Megan nang mabilis nitong buksan ang kotse nito at nagmaneho paalis.

Tumalikod sa kanya ang dalaga at naglakad patungo sa kotse nitong nasa hindi kalayuan.

"Kate?"

"Let's go home. I'm tired." Wika nito sa mahinang boses.

Wala silang imikan ni Kate hanggang sa makabalik sila sa bahay nito. Hindi na muna ni Gel tinangkang kausapin ang dalaga. Kilala niya ito kapag masama ang loob nito.

~*~

Napahinto si Gel sa pagpihit ng seradora ng opisina ni Brylle nang marinig niyang may kausap ito. At base sa pagtaas ng mga boses ay halatang nagtatalo ang kung sinumang nasa loob ng opisina.

As much as possible ay gusto sana niyang iwasan ang pagpunta roon. Tutal sa personal secretary siya ni Brylle nagrereport dahil assistant siya nito. Subalit nakiusap sa kanya si Miss Ysa na siya na ang maghatid ng files na kailangan ni Brylle dahil abala ito sa paggawa ng letters of proposals.

Aangal pa sana siya pero sinabi ng babae na kailangan na iyon ng amo nila, ASAP.

Kaya no choice.

At ngayon ay nagtatalo ang isip at katawan niya kung tutuloy ba siya sa loob. Sa naririnig niyang nagtataasang mga boses ay batid niyang para siyang sasalang sa gitna ng battlefield.

At marami pa siyang gagawin!

Napahinga siya ng malalim. It's do or die..

Tatlong malalakas na katok ang ginawa niya. Matibay at solido ang pinto ng opisina na yari sa narra.

She blew at her knuckles.

Nahinto ang bangayan sa loob.

"Come in!"

Agad niyang binuksan ang pinto. The sooner she got away, the better.

"Sir, I brought the files..."

Her words died away when she saw Megan sitting sulking at one of the couches in the corner.

"Ano iyan?"

"Iyong request mo po kay Miss Ysa. Ako na ang pinakiusapan niya dahil loaded siya at the moment."

Marahan niyang ibinaba ang may kakapalang folder. Hindi niya pinag-aksayahan na lingunin man lang si Megan. Hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito three days ago.

Two Of Us [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon