Ten

0 1 0
                                    

"Hindi ako namamangka sa dalawang ilog. How dare you!?"

"Oh, come on.."

Her nostrils flared.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo, Mister Saralde. Kung wala ka nang sasabihin, pakiusap, iwanan mo na ako."

Lumayas ka na sa harapan ko bago pa kita mabato ng stapler.

"Alam din ba ni Kate na may gusto sa'yo si Megan?"

"Paano mong nalaman iyan?"

"Hindi ako tanga, Gel, mas lalong hindi ako bulag."

"Just keep your opinion to yourself, Saralde. Wala akong pakialam sa iniisip mo. Wala akong ginagawang masama."

"Akala mo lang iyon. Baka nakakalimutan mong I am wooing Kate? As much as possible, ayokong niloloko siya."

"Hindi ko siya niloloko!"

Umalingawngaw ang sigaw niyang iyon sa apat na sulok ng 27th floor. Wala na, finish na. Galit na siya. Gusto na niyang manapak.

Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga tao roon. Kasalanan ng lalaking ito ang lahat.

"Oh, talaga? Alam ba ni Kate na may date kayo ni Megan ngayon? At alam ba ni Megan na may nililigawan ka pa bukod sa kanya?"

Mukhang ito man ay wala nang pakialam sa paligid nila. Para na rin itong nagdeklara ng civil war.

Huminga siya ng pagkalalim-lalim.

"Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa'yo, Saralde. I am warning you, though. Stay away from my own affairs. Wala ka na roon. One wrong move, and you're dead."

Mahina lang niyang sinabi iyon. May diin. May pagbabanta. Ginalit siya ng lalaking ito.

"Baka nakakalimutan mo kung nasaan ka ngayon, de Guzman?"

"Oh, no, sir." She smirked dangerously. "Alam na alam ko kung nasaan ako ngayon. Hindi ko iyon kinakalimutan. Ikaw, alam mo ba ang pinapasok mo? Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginagawa mong panghihimasok sa buhay ko? Are you declaring war?"

Hindi niya alam kung natigatig niya ito. Kung oo, magaling nitong naitago iyon.

"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako, de Guzman."

"Dahil pinasimulan mo ako, Saralde. Hindi ako umuurong sa laban. Tatanggalin mo ako? Go! Wala na akong pakialam. Mas mabuti pa nga kaysa makasama ang isang katulad mo na hindi marunong lumaban ng patas. Gagamitin mo ang iniisip mo para kamuhian ako ni Kate? Hah! Mas nauna ako sa'yo, sir, kaibigan ko na si Kate bago ka pa man umeksena sa buhay namin. Kilala na niya ako. Alam niyang hindi ko magagawa ang ibinibintang mo."

Padabog na dinampot niya ang kanyang bag.

"Huwag kang mag-alala. Bukas na bukas din ay ibibigay ko kay Sir Max ang resignation letter ko. Good riddance to you."

Iyon lang ay mabilis na niyang nilisan ang nakaka-suffocate na espasyong iyon.

Hindi na siya mamghihinayang. Sinagad na siya ng lalaking iyon. Kaya naman niyang buhayin ang sarili sa mga raket niya. Makakahanap pa siya ng ibang trabaho.

"Gel, sandali!"

Narinig niya ang lagatak ng takong ng sapatos ni Megan.

Exasperated na huminto siya.

"What was that?"

"Royal rumble." Simpleng wika niya.

"Bakit kayo nag-away ni sir Brylle?"

Two Of Us [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon