Nine

0 1 0
                                    

Ibinaba ni Gel ang kanyang tray ng pagkain sa mesang nilapitan na inuukopa ni Megan.

Megan pretend not to see her, kahit alam niyang sa sulok ng mga mata nito ay pasimple siyang pinagmamasdan.

"Kumusta?"

Exaggerated na tiningnan siya ng babae. "Oh, hi there."

"Hus, kunwari pa raw siya."

Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "What?"

"Wala." Inayos na niya ang mga lalagyan ng kanyang piniling pagkain at nagsimulang sumubo.

"Neknek mo. Anong ginagawa mo rito?"

Maang na nilinga niya ang palibot. "Canteen ito, diba?"

"And so?"

"Sa pagkakaalam ko, para ito sa lahat."

The woman sneered. "I mean.. dito sa table ko."

"Sa pagkakaalam ko ulit, libre pumwesto kahit saan ang mga kakain dito."

"Puwes, dito ay hindi."

Ibinaba niya ang hawak na kubyertos. "Aw, come on, Megan. Move on, will you?"

Sa pagkagulat niya ay malakas siya nitong sinipa sa paa. Umani ng atensyon mula sa ibang kumakain ang kanyang mahinang sigaw.

"Megan.." Gel looked at her menacingly.

Inirapan lang siya ng babaeta.

"Sige, doon na lang ako sa ibang table."

"Shut up."

"Yes, your highness." Tumayo na siya.

"And where are you going??"

Pinaikutan niya ito ng mga mata. "Ayaw mo ako rito. So, doon ako sa kabila."

"Just shut up. Sit!"

Napahinga na lang siya ng malalim.

Women!

Hindi na niya ito pinansin. Matutuyuan siya ng dugo sa arte ng isang ito.

"Bakit mo ginawa iyon?"

Nabitin sa bibig niya ang kinakain niyang lettuce. "Ang alin?"

"Ini-snob mo ang alok kong date last weekend!"

"Ah, iyon ba?"

"Ah, iyon ba??" She mimics. "Gel! Hmp!"

"Para kang bata, alam mo iyon?"

"How dare you say that??"

"Kumain ka na lang nga. Hindi ka papaboran ng oras na sinasayang mo. Para iyon lang." Itinuloy-tuloy na niya ang pagkain. Marami pa siyang gagawin at kalabisan na sa oras niya ang tantrums ng isang ito.

"Para iyon lang sa iyo iyon. Sa akin hindi. Ang sakit kaya!"

Aysowss!

Dinampot niya ang kutsara nitong may lamang pagkain na nakatengga lang sa plato nito. Naghihintay na pag-ukulan ng pansin.

"Arte mo!"

"You--!"

Bigla niyang isinubo rito ang kutsara nito. "Kain! Dami pang cheche-buretse, eh!"

She meekly chewed the food. Napuna niyang namula ito.

Tahimik na itong sumubo pagkatapos niyon.

"Hindi talaga ako puwede nang araw na iyon. At hindi ako nagpapalusot lang," agad niyang idinugtong nang kokontra pa sana ang hitad.

"Di hindi na kung hindi. Basta utang mo sa akin iyon."

Two Of Us [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon