Thirteen

0 1 0
                                    

Note!

Please read FIRST Chap. 12..

Hindi ko alam kung bakit nauna ang chappy na ito. 🤔😪 Lagi na lang. Posted ko lang kasi ito gamit ang tablet kaya hayan ang resulta. Anyway, hindi naman apektado niyan ang daloy ng kuwento.

Sorry po!

Please read on Chap. 12 then ito na. 😊✌️😘😍

Hindi mailayo ni Gel ang kanyang paningin kay Kate.

Engrossed na engrossed siya sa panonood dito habang namimili ito ng gusto nitong bilhin sa bazaar na napuntahan nila.

Halos puno na ang cart nito. Mostly ay mga libro ng paborito nitong author ang laman ng cart nito, kasama ng ilang accessory items sa katawan at sa bahay, ilang damit na nauuso at isang box ng sapatos.

At siya, ang dakilang tagatulak ng cart, ay nakatunganga lang. Wala siyang maisipang bilhin. Hindi sa wala siyang pambili. Sadyang kuripot lang siya sa sarili.

Hindi kasi siya mahilig sa mga burluloy.

Sapat pa naman ang mga damit at gamit niya. Mostly ay basic necessities lang ang binibili niya.

Napapitlag siya nang may bigla siyang maramdaman.

Napamura siya sa sarili.

Of all places, dito pa siya inabutan!

Pasimple niyang kinapa ang kanyang puwitan. Pasimple lang. Kunyari ay magpapagpag, ganoon.

Basa!

Napangiwi siya. Tiningnan niya si Kate na sa kabutihang palad ay nasa malapit lang niya. "Uh, Kate?"

"Yes, Gel?"

Lumapit siya rito at may ibinulong sa tainga nito.

Namilog ang mga mata nito. Mabilis siyang pinatalikod.

"Oh, my!" Agad itong dumukot sa bag nito. "Buti na lang at may extra ako rito.." Pailalim nitong iniabot sa kanya ang isang piraso ng napkin. "But your pants!" Ngumiwi ito. Nagpalinga-linga. "Ah! Wait here.." Dali-dali nitong nilapitan ang nakita nito. Itinuro nito iyon sa tindera.

Agad naman iyon kinuha ng tindera at mabilis na nilapitan siya. Inilagay nito ang isang pack ng panties at ang isang leggings sa braso niya. "Go on, isuot mo iyan doon sa fitting cubicle, bilis!"

"Leggings?!"

"No choice! Hindi ko naman alam ang size mo. Sige na."

Hays.

No choice nga. Tinungo niya ang isa sa mga fitting cubicles doon at nagmamadaling ginawa ang dapat gawin. Nagkasya naman sa kanya ang leggings. Buti na lang at itim iyon. Lumabas na siya roon matapos ibilot ng maayos ang hinubad na pants at inilagay iyon sa ilalim ng kili-kili niya. Maliit lang ang bag niyang dala.

"Ayos na?"

"Yes, salamat."

"Tara bayaran na natin ang mga ito."

"Ako na magbabayad ng kinuha mo para sa akin."

"Ako na."

"Kate."

"Ge~l."

"Sige na nga. Tara na. Gutom na ako."

Bumungisngis ito at umabrisiyete sa kanya. "Anyway, bagay sa iyo."

"Heh. Pasalamat ka at hindi ako naka-polo shirt. Kundi ay magmumukha akong trying hard.

Kate giggled. Hinila nito ang suot niyang medyo mahabang printed Tee na kulay asul.

Two Of Us [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon