Four

0 1 0
                                    

"Wow! Bagay sa'yo ah."

"Ang sagwa." Hinila-hila niya ang kuwelyo ng kulay kremang blusa na may scarf na kulay fuschia sa ilalim. Para siyang nasasakal. At ang bodice ng damit, hakab na hakab sa katawan niya. At ang pencil cut skirt.. inay ko po! Halos natatakpan lang ng bahagya ang mga tuhod niya.

Pakiramdam niya ay para siyang suman na nasobrahan sa pagkakabalot. Ang init-init pa ng dark blue vest na nakapaibabaw sa blusa ng uniform na suot niya na katerno rin ng palda.

"Hindi ka lang sanay, Gel."

"At hindi ako kailanman nasasanay, Kate."

"Hush! And now for that make up.."

Iwinasiwas niya ang kanyang mga kamay sa harap ng dalaga. "Oh, no. Don't bother." Nangangati ang mukha niya sa make up. Noong ayusan siya ni Kate dahil natalo siya sa dare na ginawa nila na kapag nanalo ito ay mi-makeup-an siya nito ay halos nagkapantal-pantal ang mukha niya sa pangangati.

"Don't worry, the makeup kit I was using was hypoallergenic."

"Hindi na."

"Gel, baka nakakalimutan mong required kang magsuot ng makeup. Ikaw rin, baka patalsikin ka roon ng wala sa oras. Saka light lang naman. Gagawin nating natural look."

Napabuntong-hininga siya. "Sige na nga. Light lang, ha?"

"Promise."

Pinaupo siya nito sa stool at sinimulang ayusan. Halos bumahing siya nang apply-an siya nito ng makeup base.

After some minutes..

"Hayan! Ang ganda-ganda mo naman pala kapag naayusan, Gel."

"Hindi ako maganda. Guwapo ako, okay?"

Ibinigay nito sa kanya ang isang hand held mirror. "Take a look!" Excited na tili nito.

Halos hindi niya makilala ang sarili.

Mas nagmukha siyang.. babae.

"Eww!" Anyong kukuskusin niya ang mukha para maalis ang makeup pero maagap na nahawakan nito ang mga kamay niya.

"Ano ka ba, Gel? Kailangan mo nang sanayin ang sarili mo ano. Para sa ekonomiya."

"Magre-resign na lang ako."

"Ay, sayang naman. Sayang ang pinaghirapan mo, ano?" Humawak ito sa baba. "Hmm, ano pa bang kulang? Ah!" Dali-dali itong pumunta sa isang bahagi kung saan naroon ang lagayan nito ng sapatos. Pagbalik nito ay dala na nito ang isang kulay jet black na one inch heel shoes.

"Ito na muna ang isuot mo habang hindi ka pa sanay sa stilettos. At! Ibibigay ko na ito sa'yo. You can borrow some of my heels kapag kailangan mo."

Hay..

Para siyang sanggol na noon pa lang natututo ng basic first steps nang subukan niyang ilakad ang sapatos.

"Ayusin mo naman ang postura mo. Dapat stomach in, chin out. Hindi iyong para kang nakalunok ng hilaw na ampalaya. Ganito, gayahin mo ako." Itinuro nito sa kanya ang tamang paglalakad suot ang shoes nito.  "Hayan, ganyan nga! Ulit-ulitin mo lang hanggang sa mawala na ang uncomfortable feelings."

Makalipas ang ilang oras ay exhausted na si Gel.

"Perfect! Now ready ka na para bukas. Pumunta ka rito ng maaga tuwing may pasok para maturuan kita ng simpleng makeup, okay?"

"Ohkay.." Nahihikab na pagsang-ayon niya. "Wala man lang bang pa-snack riyan?" Pahaging niya.

"Meron siyempre," natatawang sagot nito. "Saglit lang."

Two Of Us [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon