Fifteen

2 2 0
                                    

Inayos ni Gel ang pagkakatupi ng manggas ng kanyang suot na polo shirt na kulay asul. Sinuri din niya kung walang lukot ang kanyang slacks. Ang kanyang bagong labang sneakers na itim ay tiningnan din niya kung may alikabok.

Sinamyo niya ang tatlong white roses na binili niya. Nakaltasan siya ng malaking halaga dahil sa bulaklak, pero worth it naman. Lalo na kapag napatawad na siya ni Kate.

Tumikhim siya at nang masigurong okay na ay nag- doorbell siya sa bahay ni Kate.

Sabado ng araw na iyon kaya alam niyang naroon lang ito. Hindi ito pala-labas masyado. Maliban lang kapag may okasyon sa bahay ng ama nito o may pinuntahan ito.

Naririnig niya ang mahinang tunog ng CD player nito sa salas. Wala ito roon nang silipin niya.

Baka naglalaba sa likod.

"Kate?"

Muli niyang pinindot ang doorbell.

Maya-maya lamang ay narinig niyang bumukas at sumara ang screen door sa likod. She heard soft shuffling, then the front door opened.

"Good afternoon, Kate."

Pinagmasdan siya nito, lalo na ang white roses na hawak niya. Iniabot niya iyon dito. "For you. For peace offering."

"Bakit?"

"Remember noong naabutan mo kami ni Megan sa parking lot?" Ayaw niya na sana banggitin iyon.

"Ah." Umalis ito sa pagkakatayo sa may hamba ng pinto at bumalik sa loob. Agad naman siyang pumasok bago pa man siya nito pagsarhan. Iba kasi ang mood nito ngayon.

Nakakapanibago.

Ni hindi man lang nito inabot ang mga bulaklak na offer niya.

Ah, galit.

"Ikaw na muna bahala rito. Hindi pa ako tapos maglaba."

"Kate.."

"Saka na tayo mag-usap." Tuluyan na siya nitong iniwan roon.

Nanlulupaypay na ibinaba niya ang kanyang kamay na may hawak na bulaklak.

Siguro mas makabubuti kung umalis na lang siya. Nanlulumong naghanap siya ng plorera at isinuksok roon ang tatlong rosas matapos lagyan ng kaunting tubig. Ipinatong niya iyon sa center table nito at pinagmasdan iyon ng ilang saglit.

Laglag ang mga balikat na tahimik na lumabas si Gel ng bahay ni Kate.

Umuwi siya ng bahay at nagbihis ng kaswal na damit.

Pumunta siya sa talyer ni Mang Damian at ipinasyang doon na lang gugulin ang natitirang oras para malibang.

"Angela, long time no see tayo, ah. Kumusta?"

"Ayos lang po, Mang Damian. May extra slot po ba kayo riyan?"

"Ah, sa palagay ko ay mayroon, hija. Saglit lamang." Luminga ito sa paligid na parang may hinahanap. "Boy!"

Lumapit sa kanila ang isang mekaniko na puro grasa ang mukha. "Bossing, bakit? Oy, Gel! Naligaw ka yata? Musta p're?" Tinangka siya nitong tapikin sa balikat pero umiwas siya. "Ops. Hehe."

"Ayos lang naman p're. Hindi ako naliligaw. Dito talaga ang sadya ko. May extra slot ka pa ba riyan? Pasingit."

"Ikaw na bahala kay Angela, Boy. Sige, hija at marami pa akong gagawin."

Tumango lang siya.

"Sakto ang dating mo, p're. May bagong kliyente tayo. Bigatin!"

"Lumba-lumba?" She grinned.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Of Us [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon