Chapter 6: Five Minutes

69.9K 2K 133
                                    



We'd always go into it blindly
🌻

Patricia

Hinilot ko ang sentido ko dahil pakiramdam ko tumaas ang dugo ko at pumailanlang sa brain cells ko.

"Hoy aber! Anong klaseng tingin 'yon?!" Sikmat niya sa akin.

Umiling ako. Hindi ko rin alam. Basta feeling ko lang bigla akong kinakabahan. "Nako pusa ka, huwag mo nang bigyan ng malisya yon!" Kalmadong sagot ko sa kanya at pilit hindi iniinda ang natatanggap kong tingin mula kay Terence. "Sus! Baka mamaya niyan malaman ko na lang na nililigawan ka na niyan! Ang lagkit e! Tamis ng titig!" Binuntutan niya pa ng tawa.

No way, Patricia. You have the man you love. Si Axel yon.

Again, I shook my head. "Baliw ka na" ngiwi ko kay Catalya tsaka nagtipa ng maikling 'sige' tapos sinend ko na kay Terence.

Sunod kong binuksan ang ilang text messages galing kay Axel. Sinilent ko kanina kaya hindi ko narinig kung meron mang notif. Sinadya ko para hindi ko pakialaman ang phone ko kahit tumawag man siya.

Kasi alam ko ang sarili ko. Kilala ko ang Patricia na patay na patay kay Axel. Marupok ako e.

That's what hurts. Sinubukan kong pigilan, I swear. But I just can't. It's never easy to just walk away from your favorite person. It's not easy to just leave the person you have fallen for. Kaya heto.

Tinignan ko ang phone ko.

Axel:
You left. Bakit mo ko iniwan?

I can imagine his serious face while sending this to me. Alam ko rin na magkasalubong ang kilay niya.

E paanong hindi kita iiwan kung alam kong masasaktan lang ako kung pakikinggan kitang kausap si Gly sa tawag niyo habang nakatingin ako sa masayang ngiti sa labi mo?

You're not answering your damn phone, Patricia.

Pick up your phone.

Hihintayin kita sa gym pagkatapos ng klase niyo. I want to see you before the game.

And there goes his 17 missed calls.

Bumuga ako ng marahas na tingin at inalis ang pagkaka-silent ng telepono ko.

Terence said he wants to tell me something important after our last subject in the afternoon. And now, eto namang si Axel, pinapapunta ako sa gym pagkatapos ng klase.

I shook my head and put down my phone. Sa pagkain ko na lang itinuon ang atensyon ko. Almost instantly, I salivated when I found a serving of my RookieDwarf order in a plate with mini pikachu sprinkles. Dahil hindi ako gaanong gutom, ito ang inorder ko. Pancake waffles siya na may freshly chopped mangoes na topping. Then may konting chocolate syrup siya. And what captured my eyes was the cute illustration of pikachu sitting on the ice cream.

"Diet ka, Pat? Ba't yan lang order mo? Tanghali ngayon. Lunch kuno. Mabubusog ka jan?" Takhang tanong ni Catalya habang ngininguya ang kinakain niyang pak na pak! Madami kasi.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon