Chapter 8: Ako lang

72.5K 2K 105
                                    



I might lose my mind, waking when the sun's down
🌻

Patricia

"Ano ba Axel. Tumigil ka nga kasi!" Inis kong bulyaw sa kumag na kasama ko at pilit siyang nilalayo sa akin.

Nagluluto kasi ako ng pang-dinner namin. Pumayag ako sa date namin. Pinagpili niya ako kung saan at sinabi ko, dito na lang sa condo niya. At alam ko rin namang pagod siya kaya mas minabuti kong ako na lang magluto ng dinner namin para hindi na kami lumabas pa. The Vikings have been practicing all day which is why I know he's tired.

He laughed before he placed wet kisses on my neck. "Axel!" I groaned weakly when he sucked on my sweet spot.

Umayaw pa siya nung sinabi kong sa condo na lang niya. Gusto raw niyang ilabas ako sa isang magandang restaurant. Pero talagang pinanindigan ko ang desisyon ko. Sa huli ay wala siyang nagawa.

"Ang bango mo tangina" mahinang saad niya tsaka niya ako hinalikan sa labi at pinakawalan. Baliw tong babaerong 'to. Halatang pagod na pero heto at kung ano-ano ang ginagawa!

"Malandi ka lang talaga" sabad ko tsaka ko tinempla ang sauce ng Carbonara na niluluto ko.

Hindi ako magaling magluto ng mga ulam. But I'm good at cooking pasta delicacies.

"Ikaw lang naman nilalandi ko dito sa condo ko" I rolled my eyes on what I heard and covered the pot. Humarap ako sa kanya. He pulled me by the waist. "Because you're the only woman who I let in.. inside my unit" bulong niya at nilapit ang mukha niya sa leeg ko.

"Alam mo, nagmemens ako ngayon" I suddenly said out of the blue.

Nawala ang kapilyuhan sa mukha niya. "I know. And about that, why didn't you call me when you felt sick? You could have texted me or called me. Just one call, Patricia. Just one call and I'll come running to check on you" seryosong saad niya.

"Ano ka ba! Abala lang iyon. Busy kayo sa practice niyo tsaka kaya ko naman e. Mabuti na lang tinulungan ako ni Ter–" mabilis kong kinagat ang labi ko. "Buti at may tumulong sa akin" pagtatapos ko.

Natahimik si Axel. He held my waist tighter. Then, he cocked his head sidewards. I expected him to ask. But he didn't. He just nodded and gave me a peck on the lips.

Pero may emosyong naglalaro sa mga mata niyang hindi ko maintindihan. Parang may alam siya ngunit hindi niya lang binubulalas.

"Next time something happens, please call me" kalmadong asik niya. Tumango ako at nginitihan siya. "Okay"

"Sige na, dun ka muna sa kwarto mo o sa sala. Matulog ka saglit. Gigisingin na lang kita kung luto na ang mga pagkain. And I still need to call Catalya kasi alam kong gusto na akong kausapin non" inayos ko ang nagulong buhok niya at sinapo ang pisngi niya.

I chuckled while looking at his sleepy eyes.

He nodded silently. Ngumiti naman ako tsaka na ako tumalikod para i-check ang niluluto ko. I checked the other pan where I am cooking the chicken fillet and flipped each piece.

"Love?"

Tumigil ako sa ginagawa at nilingon si Axel. Akala ko umalis na. "Bakit?"

Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Pag gigisingin mo ko, lambingin mo ko please" parang batang sabi niya. Napaawang ang bibig ko.

Tumawa ako ng mahina nang kumurap siya. Cute.

"Dami mong alam. Sige na matulog ka na" sabi ko at ngumiti. He gave me one last look before he walked away.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon