Chapter 27: dapat

53.9K 1.6K 46
                                    


.

i say dance for me, dance for me, dance for me
Ohhh oh
🌻

Patricia

Mabilis akong pinakawalan ni Terence nang mag-iwas ako ng tingin.

"T.." umpisa ko. I know what my heart is screaming for. I know the person it loves. I know it would only hurt the person in front of me if I give him false hope. Kaya hangga't maaga pa, dapat iklaro ko na sa kanya.

He smiled at me but it didn't reach his eyes. "Hinihintay na nila tayo. We should go" pag-iiwas niya ng usapan. Marahil napansin niya sa paraan ng pagtingin ko sa kanya kung ano ang balak kong sabihin.

Nauna siyang naglakad kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hanggang sa makita ko sina mommy at daddy na naka-upo sa sofa. Nakasalubong ko ang seryosong tingin ni Dad at ang malamlam na ngiti ni Mommy. I knew right at that moment that this will be a long serious night full of talks and explanations.

Axel

I stomped on the accelerator. Wala akong balak iwan siya doon pero kailangan kong umalis agad. I stink. And I don't want to present myself to her parents looking like shit. I want a good first impression from them when they see me.

Kailangang magpalakas ako sa mga magulang ni Pikachu. They should like me. I should look good and presentable. Oras na para umayos ako ng gawa para sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang alagaan at mahalin ako kahit nasaktan ko na siya.

I didn't like the idea of leaving her with that Serano. Ang lakas pa ng loob niyang humarang para hindi ko makita ng maayos si Patricia papasok sa bahay nila. Muntik ko na nga silang lapitan. Buti na lang napigilan ko para walang gulo.

Nagalit ko na si Pikachu ko. Ayokong may dumagdag sa inis at galit niya sa akin. So I settled leaving with clenched fists.

My jaw moved unwillingly. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo sa kotse.

Patricia

"What is all about those rumors running around the halls of your campus, huh Patricia? Who is that boy?" Seryosong tanong sa akin ni dad.

He was always protective of me. And he dislikes the idea of me hanging out with boys kasi hindi siya sanay doon. Since I was a kid, I didn't like guys. Kaya siguro nakampante si Daddy na wala siyang matatanggap na ganitong balita habang nag-aaral ako sa Weston.

"It is what you heard, Dad. At hindi ko sasabihin kung sino iyon dahil alam ko namang marami kayong koneksyon at madali mong malalaman kung sino iyon" mahinahong sagot ko sa kanya at ngumuso.

"Princess.." buntong hininga ni Dad kaya nilapitan ko siya.

Kasalukuyan kami ngayong nag-uusap sa sala. Si Terence ay lumabas saglit. Respeto na rin sa pribadong pag-uusapan namin ng mga magulang ko. Nauna na rin daw umalis si Trixie kanina dahil na-miss siya ng lolo nito kaya doon muna siya tumuloy.

"Pasensya na po sa inyo dahil itinago ko ito. But that basketball player is on the process of courting me po" matapat na sabi ko sa kanila.

Ngunit nagulat ako sa sumunod na narinig.

"What about Terence, Princess?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong ni Daddy. Bakit si Terence?

"Ano po ang tungkol sa kanya Dad?" Nalilitong tanong ko.

Napatingin ako kay Mommy nang tapikin niya ang braso ni Dad. "Don't meddle with her choices, Marvin. I know what you are planning" my mother gave my Dad the eyes I cannot fathom to understand what it means.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon