Chapter 38: dark

64.1K 1.8K 246
                                    


.
❣️

Little do you know I'm try'na
pick myself piece by piece
Little do you know I
need a little more time
🌻

Patricia

Handa na lahat ng gamit ko. I packed enough clothes for a whole week camping. I am ready to go but my mind keeps on rejecting the idea of me going on a camping with the department Axel is in.


Paano ba 'to?

Huminga lang ako ng malalim tsaka ko binitbit ang gamit ko palabas ng room. Ngayon ang trip namin papunta sa Palawan sa halip na sa susunod pa na araw. Para daw mas maaga kaming makarating doon at hindi kami magabihan.

Nang makalabas ako, namataan ko si Za na kasama si Kap. Mukhang sinundo ni Luke ang reyna niya.

"Sabi ko, kaya ko. Will you please let go of my bag? Let me carry it" naaasar pero kalmadong sabi ni Za sa Kapitan ng Vikings na walang ibang ginawa kundi ang nakawan lang siya ng halik saka nauna nang naglakad habang bitbit sa kamay ang bag ni Za. Nang hindi kumilos si Za ay nilingon siya ni Luke at ngumisi. "Come on, love. Your department's bus is not gonna wait for you if you get late" sabi pa nito kaya umismid si Za at naglakad palapit kay Luke na siyang napangiti.

Hanggang sa mawala sila sa paningin ko, napangiti ako. Their love for each other is hard to break. It's too powerful, nobody can tear them apart.

Muli akong huminga ng malalim tsaka inayos ang pagbitbit sa bag ko. Pumasok ako sa lift at pinindot ang ground floor. At nang tuluyan na akong makalabas ng dorm, pumorma ang kunot sa noo ko nang makita ko si Terence sa di kalayuan. At sa gilid nila ay si Luke na mariin ang titig sa kanya.

Bakit anong ginagawa ni Terence dito?

Terence quickly caught my eyes and smiled. "What are you doing here?" Takhang tanong ko.

"I'm here to carry this" kinuha niya sa akin ang bag ko. I was about to protest but he smirked. "Ihahatid na rin kita sa sasakyan niyo. It's my job, Patricia" pagdadahilan pa niya kaya sa huli ay bumuntong hininga lang ako.

When I looked at Zarena, she gave me a soft smile. "I'll see you at the school bus, Patricia"

Ngumiti rin ako at tumango. "Sige"

Pagtingin ko sa katabi niyang lalaki, walang buhay siyang nakatingin kay Terence. Luke is one of Axel's bestfriend. He knows my relationship with Axel before.

I saw Zarena mumble something before she held his hand and forced him to get inside the driver's seat. I thank her for that.

Pagtingin ko kay Terence, mariin siyang nakatitig sa akin. Gusto kong mapag-isa sa pagpunta doon sa location pero dahil nandito na siya, alangan namang paalisin ko siya?

"tara na?" Tanong ko at ngumiti saka ako pumasok sa loob ng kotse niya nang pagbuksan niya ako ng pintuan.

And on the whole short trip, we only exchanged few questions and answers until we reached the meeting place. Nagtipon-tipon ang mga Law students at sa kabilang dako naman ay naroon ang mga Business students. Unang hinanap ng mga mata ko ay si Axel. Pero wala akong nakita, ni anino niya.

I shook my head. Nahihibang ka na ba Pat? Why are you looking for him? I snapped at the back of my mind.

Last night, I cried my herat out. Pushing Axel away seems like the right thing to do but the other part of me is telling me it's wrong.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon