Chapter 42: downfall

60.8K 1.8K 86
                                    






let me be the one to break it up
so you don't have to make excuses
🌻

Patricia

"You lost, Pat. Nanalo kami nila Zarena" at talagang nang-iinis pa itong Catalya na ito.

"You don't need to slap that fact in my face. I totally get it" untag ko sa kanya saka inayos ang pantulog ko. She chuckled.

"The boys are drinking tonight. But they have limited drinks kaya siguradong walang malalasing dahil bawal ang alchohol para sa kanila. Just juice and a punch" imporma ni Za na nahiga sa kama niya. "What? You're just gonna sleep? The Captain was looking for you a while ago" pagbalik ni Luke, si Za agad ang hinanap niya.

"He'll survive" sabi lang niya saka inayos nag ulo sa unan niya.

"I'm also sleepy" rinig kong sabi ni Cat. "Our hunting activity drained my energy" dagdag niya at nahiga na rin. All three of us have taken a bath already and are set to sleep.

Pero ako? Bakit hindi rin ako dinadalaw ng antok?

Gaya nga ng sinabi nila Za, nakatulog sila ni Catalya. Kaya nakatunganga ako rito ngayon. Walang magawa. Maybe I just need some air.

Kaya naman lumabas ako sa room namin nila Za. Paglabas ko, mabilis tumama sa balat ko ang sariwang hangin. My hair swayed with the impact which made me smile. But my smile became confused when I saw a familiar figure standing a few meters away from me.

"Terence, what the hell?!" Bulalas ko nang lumapit siya at nailawan ang mukha niya kaya namukhaan ko siya.

He chuckled and winked. "Missed me?"

"Are you crazy? What are you doing here?" Hindi makapaniwalang tanong ko saka lumapit sa kanya at yumakap nang ilahad niya ang braso niya.

He answered me with a tight hug. "Your dad is worried sick. So I presented myself to come check on you"

Napailing ako. "At pumayag naman siya?"

"Of course I intended to make him say yes" napakamot siya batok.

Nailing ako at lumayo na sa kanya. "Kapag ikaw nakita ng mga instructors, lagot ka. May pasok pa kayo sa susunod na araw"

"I can manage my time"

Nailing ulit ako. "Bahala ka jan"

"It's late. Why are you out alone?"

"Hindi naman malayo ang mga tao. Liliko lang tayo jan e nandun na sila na nag-kukuwentuhan"

He nodded and placed his hand on his pocket. "I still can't believe you're here. Baliw na nga ang papa ko" saad ko at sabay na kaming naglakad. Terence, being the guy he is, started a conversation while we are walking. He asked how am I and how did we do.

Hanggang sa makarating kami sa kung saan nagtitipon ang ilan sa mga law at engineering students. Saka ko lang pinagsisihan ang desisyon kong pumunta dito kasama si Terence nang mamataan ko ang Vikings sa dulong table. Axel was drinking a bottle which looked like a punch while Brix was saying something.

"I see, hindi naman pala magkaiba ang pinagawa nila sa amin at ng sa inyo" i heard Terence say but my attention was focused on one man. "Sht" mahinang mura ko nang makitang dumako ang tingin ni Axel sa gawi namin ni Terence. And I didn't miss the frown on his face when he saw Terence beside me.

"Tara na, T. Doon na lang tayo magpahangin sa kabila" I pushed him to walk until I lost sight of the people gathered there.

I sighed in relief. "Muntikan na" napakahinang bulong ko para di marinig ni Terence.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon