Chapter 16: if you

65.5K 1.9K 327
                                    


we're far from the shallow now
🌻

Patricia

Matamlay ang mukha kong nakatingin sa gawi ni Catalya.

"Ayusin mo iyang mukha mo Patricia. Ayokong nakikita kang ganyan, alam mo yan"

Nag-iwas ako ng tingin sa sinabi ni Catalya. Kahit itago ko ang nararamdaman ko, mahirap pa rin talaga. Bumabalik sa isip ko ang mga katagang sinulat ni Axel sa note.

"Edi bilhan mo ako ng pikachu pancakes para naman gumana ang sistema ko!" pabiro kong sabi pero inirapan niya ako. I laughed at that.

Kinuha niya ang notebook na hawak ko at mahina iyong pinalo sa kamay ko. "Hindi ako magtatanong kung bakit mugto iyang mga mata mo. At hindi kita bibilhan ng pancake, ano ka? Sinusuwerte?" Umirap ulit siya.

"Pusang gala naman..." i said.

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "I am serious, Patricia. Kung ano man ang problema mo ngayon, I will always listen if you want to talk. Mukha kang pinagbagsakan ng langit"

Pilit akong ngumiti. "I can handle it. Pero kung talagang kailangan ko na ang powers niyo ni Zarena, magsusumbong ako, promise" I even raised a hand para mas kapanipaniwala.

"Tss. Saan punta mo mamaya? Walang game ang Vikings ngayon kaya saan mo balak maglakwatsa?" Pag-iiba niya ng usapan kaya tipid akong napangiti.

Alam kong kating kati na siyang magtanong pero pinipigilan niya lang.

"Pagkatapos ng klase, pupunta ako ng parking. I need to meet with Axel kasi may pag-uusapan kami na importante" matapat na sabi ko at napansing natigilan si Catalya. But she stayed silent.

"Okay"

Laking pasasalamat ko dahil hindi na siya nagtanong pa. And when the bell rang, mabilis kong inayos ang mga gamit ko. "I'll text you when Axel and I are done talking. Paki sabi na lang din kay Za" wala kasi siya dahil may kinailangan siyang i-discuss sa groupmates niya para sa defense. Then after that, she'll meet with the Captain.

"Okay" simpleng tugon muli ni Cat kaya napailing ako.

For a little while, I reached for my phone to see if Axel texted back. Hindi ko kasi binuksan ang phone ko matapos ko siyang i-text.

My lips parted when I saw a reply from him.

Axel:
I'll be there.

Three words but enough to strike nervousness in my heart.

Ito ang kailangan ko diba? I need clarification. I need this so that I will stop myself already from being so in love with him... if I can. Kailangan ko nang tapusin ang meron kami para wala ng gulo o kadramahan pa.

Muli kong ibibalik sa bag ko ang phone ko. Then after that, I hung my bag on my shoulder before looking at Catalya who is just staring at me.

I cocked my head sidewards. "O bakit ikaw naman ngayon ang tulala? Anong tumatakbo jan sa kokote mo?" Pasimpleng tanong ko tsaka ko siya sinabayan sa paglalakad nang tila bumalik siya sa katinuan at naglakad na lang bigla.

Hindi lang alam ni Catalya pero maski ako ay may napapansing kakaiba sa kanya sa mga nakalipas na araw. Minsan, para siyang lutang at may malalim na iniisip. Then sometimes, I would catch her eyes watery. At kapag tinatanong ko naman, she would just answer me with a smirk and would blurt out reasons that may seem kapani-paniwala... but I know her better than her lies.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon