Matched 02

74 37 15
                                    

Matched
02: Cousin

I'm facing her right now here at gymnasium, luckily, naka-dating siya ng 4:25 pm.

"So, can we start now? Ano'ng kailangan ko'ng gawin?" Tanong ni Tanya, ang new client ko, 'yong nag-ask sa akin ng favor kanina sa hallway.

"Nothing... actually nothing, basta sabihin mo sa akin 'yong pangalan nang lalaki'ng gusto mo, at 'yong address niya." Simple'ng sabi ko sa kaniya, kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"What? 'Yon lang? Wala'ng gayu-gayuma? Wala'ng picture? Wala'ng buhok? Wala'ng dolls?" Naguguluha'ng tanong niya sa akin, mahina ko siya'ng binatukan.

"Abnormal ka 'Te? Tingin mo mangkukulam ako or mambabarang?" Inis ko'ng sabi sa kaniya.

"Haha, so ano nga? 'Yon lang talaga? Alam mo kasi, nagdala na ako nang damit dito ni Taylor, pati na din buhok niya, and a doll, para kumpleto na hehe." Sabi niya, kinuha ko na lang 'yong ballpen at papel ko sa bag at binigay sa kaniya.

"Tsk, ilista mo na lang diyan 'yong full name niya tapos address niya and his social medias account." Utos ko.

Kinuha niya naman iyon at inilista niya lahat nang ipinapalista ko sa kaniya.

"Oh, ano'ng gagawin mo diyan?" Tanong niya pa sa akin na parang nagaalinlangan at iniabot ang papel ko, tinignan ko 'yon.

"Taylor Marcus Tanayan Zapanta, Sunville Village #144, @TylrZpnt146 instagram, @taylooor twitter, Taylor Zapanta facebook." Basa ko sa nakasulat sa papel, "Okay, sisimulan ko na bukas... bayad." Singil ko agad sa kaniya.

"A-ano?! Hindi mo pa nga nagagawa, singil agad?" Singhal niya.

"Tsk, wala ka ba'ng tiwala sa akin? At tsaka para sigurado, baka mamaya, nagawa ko na 'yong pinapagawa mo sa akin tapos naglalaplapan na kayo eh di mo pa ako nababayaran, kaya akin na, bayad." Muling singil ko, napakamot na lang siya at iniabot ang bayad, binilang ko 'yon at sumakto naman.

"Basta ah, dapat hindi ka pumalpak, nakasalalay sayo ang future namin ni Taylor." Tila kinikilig na sabi nito.

"Tsk, sige na aalis na ako." Pagpapaalam ko at iniwan na siya'ng magisa sa loob ng gymnasium.

Umuwi na ako sa dorm na tinutuluyan ko, pero bago 'yon ay dumaan muna ako sa isa'ng store kagaya ng 7/11 at MiniStop para bumili nang cup noodles at tsaka para hindi na din ako magluto, tinatamad na ako, at tsaka gusto ko'ng ibigay kay Collin 'yong oras ko, hihi. Gabi-gabi kasi in-iistalk ko siya sa mga social medias niya, pero hindi ko siya fina-follow hehe, pero siya naka-follow siya sa akin, madami'ng followers niya at friends kasi sikat siya sa buong campus, kasi nga varsity player siya at siguro lahat nang babae'ng nakapanood sa kaniya eh finollow siya, tsk, bawal yon! Akin lang si Collin hehe.

Bumili ako nang icecream na ikaw na mismo ang mag-lalagay at kahit gaano kadami ang ilagay mo sa cone na binibigay nila pagka-bayad mo, pero bawal na'ng ipa-refill, at tsaka charcoal 'yong flavor at sobra'ng sarap niya, kumuha din ako nang hotdog na ₱30 lang at naupo sa isa'ng table na pang-apatan at nagmuni-muni, magtatagal pa ako nang ilang minuto bago umuwi, ang aga pa at 5:11 pm pa lang at nakikita ko pa ang iba'ng estudyante na nanggaling sa iba't iba'ng schools and universities.

"You're alone? Miss?" Awtomatiko ako'ng napalingon sa lalaki'ng nagsalita, matangkad siya, maputi, naka-salamin at maayos ang porma, mukha'ng mayaman.

"A-ah, eh." Tanging naisagot ko lang at napakamot sa batok, eh kasi naman, ngayon ko lang siya nakita, as in, hindi ko siya kilala, at tsaka bilin ni Mama sa akin, h'wag makipag-usap sa hindi mo kakilala, kasi baka mamay masama'ng tao 'yong kausap ko at nambubudol.

MatchedWhere stories live. Discover now