Matched 09

39 31 8
                                    

Matched
09: Happy Family

"'Teh! Ang ganda ng pinili mo'ng dress! Mas maganda 'to sa pinagiipunan natin!" Tili ni Layne sa akin habang tinitignan niya ang sarili niya'ng suot ang Dress na pinili ko para sa kaniya habang naka-harap siya sa salamin.

"Oo, at dapat ka'ng magpasalamat kay Aiken at mag-sorry kasi siya lahat ng gumastos nito'ng susuotin natin sa Masquerade Party sa Biyernes!" Sumasakit ang ulo ko sa mga pinaggagagawa nito'ng si Layne, hindi naman ibig sabihi'ng nagpapagamit si Aiken sa akin eh kailangan na di'ng gamitin 'yong pera niya!

Hindi ako mapanatag na may gumagastos para sa akin o para sa amin, kasi gusto ko, ako 'yong nagpapaka-hirap at nagpapakapagod para sa isa'ng bagay, atleast pinaghirapan ko 'di ba? At tsaka isa pa, ayoko'ng nagkakaroon ako ng utang na loob sa iba'ng tao, lalo na at si Aiken 'yon, ginagamit ko na gagamitin ko pa pera niya para sa sarili ko?

Kung puwede ko lang ibalik sa kaniya 'yon eh kaso bawal na eh, pero totoo nama'ng maganda talaga 'yong napili ko'ng dress, dalawa'ng dress at dalawang tiara lang ang binili ko, gusto pa nga ako'ng pakuhain ng earrings at necklaces, pero tumanggi ako! Kasi binigay niya din 'yong Kuwintas na regalo niya sa akin para sa first date namin, hindi ko nga alam kung susuotin ko 'yon o kung masusuot 'yon.

Takaw disgrasya kasi 'yon, lalo na't real diamond.

"Don't worry, Coleen, kanina'ng umaga pa ako nagpasalamat sa kaniya haha!" Natatawa'ng sabi niya habang umiikot pa at ipinapatong ang tiara sa ulo niya, napa-iling na lang ako! Ilang beses na din ako'ng umiiling dito kasi di ako maka-getover kanina!

"Hahay, ewan sa'yo, sige na! Matutulog na ako, may dadaanan ako bukas, tsaka balik trabaho ulit ako sa lunes!" Napa-buga na lang ako ng hangin at nahiga sa sofa, dito na lang siguro ako matutulog, napagod ako kakalakad kanina sa Mall, ang dami kasi nami'ng store na pinuntahan pero wala'ng binilhan.

"Ay oo nga pala, balik ka nanaman sa dati, one week lang pala leave mo, paano na 'yan? Mawawalan ka nanaman ng oras sa mga marathon natin tsaka lalo na't may jowaers ka na." Malungkot na tumabi sa akin si Layne at naupo habang tina-tap 'yong ulo ko.

"Layne, sa tingin mo kaya magkaka-feelings ako kay Aiken?" Tanong ko out of the blue, naisipan ko lang kasi gusto ko na'ng mag-back out kasi baka wala di'ng patutunguhan 'tong lokohan namin ni Aik.

Ako kasi, wala'ng mawawala sa akin, eh sa kaniya, meron, lalo na't sabi niya gusto niya ako, at tsaka 'yong mga ginagastos niya sa akin, sa amin, haysss.

"Hmmm, no one knows, Coleen... we're not destiny, were not god, and we're not cupid to predict and control our feeling to a person." Naka-ngiti'ng sabi niya, tumango na lang ako bilang pag-sangayon. Oo nga naman, wala ni sino ma'ng kaya'ng kontrolin ang nararamdaman, hindi mo puwede'ng sabihi'ng 'Ayan, guwapo, gusto ko yan, mahal ko na 'yan.' Ng basta basta di ba?, "Oh, siya, pumasok ka na sa kuwarto mo, or kung gusto mo dalhan na lang kita ng blanket para hindi ka lamigin?"

"Thank you, Layne..." nginitian ko siya nang napaka-tamis, "Thank you kasi nandiyan ka, inaalagaan mo 'ko, tinuturing na kapatid, nagiging kasangga ko sa kahit saan, nandiyan kapag kailangan." Dugtong ko pa, tinap niya ulit 'yong ulo ko.

"Binabalik ko lang 'yong mga ginagawa mo sa akin, pagaalaga mo sa akin kapag nagkakasakit ako, pag-sakay sa mga kalokohan ko, and... what are friends for 'di ba? At tsaka, di bagay sa'yo na mag-drama 'Teh, haha!" Natatawa'ng sabi niya, natawa na din ako sa sinabi niya, hinalikan niya ako sa noo, at nginitian.

MatchedWhere stories live. Discover now