Matched 10

43 30 5
                                    

Matched
10: Help Me, CC

Lunes na naman at masasabi ko'ng hindi pa ako handa'ng pumasok ulit. Hanggang ngayon ay hindi pa ako bumabangon sa kinahihigaan ko, halos alas-siyete na kami naka-uwi ni Aiken mula sa Orphanage, ayaw pa nga sana kami'ng pauwiin ni Janelle e, kase mamimiss niya daw kami.

Pero siyempre pinangako namin ni Aik na dadalaw kami sa kaniya pati na din sa iba'ng mga bata sa Orphanage if ever na magkaroon kami ng free time, mabait siya kagaya nang sinabi ni Aik sa akin.

"Hindi ka ba papasok, Coleen? Mag-sisix na, di ka pa naliligo, may pasok ka pa sa Coffee shop di ba?" Paalala ni Layne sa akin nang pumasok siya sa kuwarto ko, tumango na lang ako, may pakiramdam kasi ako'ng hindi magiging maganda 'tong lunes ko eh, pakiramdam ko lang naman, h'wag naman sana.

Bumangon ako at niyakap si Layne.

"Tama kaya 'tong desisyon ko, Layne?" Out of the blue ko'ng tanong sa kaniya, she hug me back and tap my back.

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin, 'yon ba'ng pakikipag-relasyon kay Aiken?" Tamang hinala niya sa akin.

"Oo." Tanging nasagot ko na lang sa kaniya na may pa-tango tango pa.

"Ikaw ang nag-desisyon kaya ikaw din ang makaka-alam kung tama ba o mali 'yong ginagawa mo'ng desisyon... pero sa tingin ko, mali 'tong ginagawa mo, niyo, ni Aiken. Bakit? Kasi gusto mo si Collin, ipag-laban mo siya, hindi naman ibig sabihi'ng hindi ka niya gusto eh kailangan mo na'ng sumuko sa kaniya, iparamdam mo sa kaniya'ng worth it ka'ng mahalin... aminin mo na kay Collin hangga't maaga pa, Coleen." Sabi niya at humiwalay sa yakap ko, naka-ngiti siya sa akin, "Maligo ka na, malelate na tayo, magagalit si Ms. Martina sa'tin." Hinawakan niya 'yong kamay ko at hinila palabasa ng kuwarto ko at dinala sa C.R.

Tumango na lang ulit ako sa kaniya at sinimula'ng maligo, matapos 'non ay nag-toothbrush, nag-bihis, nag-apply ng mga product at nag-suklay bago ako yayain ni Layne umalis ng apartment.

Papalabas pa lang kami ng Gate nang matanaw namin ang kotse'ng gamit ni Aiken, papalapit ito sa direksyon namin at tama nga, huminto ito sa mismo'ng tapat namin.

"Goodmorning, Wifey, sabay na kayo sa amin." Anyaya ni Aiken sa amin nang buksan niya 'yong salamin sa side niya, tinignan ko naman si Layne, tumango na lang siya kaya naman umikot ako sa kabila'ng side at binuksan pero halos tumalon ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Collin!

"C-Collin." Tawag ko sa pangalan niya, nginitian niya naman ako.

"Goodmorning, Coleen." Bati niya, tumango naman ako sa kaniya at nginitian bago isara 'yong kotse at binuksan ang sunod na pinto.

"Goodmorning Aiken, Collin." Bati ni Layne nang maka-sakay kami sa kotse, magkatabi kami'ng dalawa sa likod, at sila Aiken at Collin naman sa harap.

"Goodmorning Collin, Aiken." Bati ko naman, tinignan ko naman ang salamin sa harap at nakita ko'ng seryoso'ng naka-tingin si Collin sa akin, tinignan ko siya na parang tinatanong kung bakit pero iniwas niya lang 'yong tingin niya sa akin.

Nang umandar na 'yong kotse ay natahimik ang lahat, wala ni isa'ng nag-salita, at hindi'ng hindi ko gagawin 'yon hanggang sa nag-salita na si Layne! Ano nanaman kaya'ng sasabihin nito?

"Collin, this Friday, may date ka na ba?" Tanong niya, hindi ko gusto 'tong mga sinasabi ni Layne! May kutob ako!

"Ah, eh w-wala pa nga eh, a-aayain nga sana kita, kung okay lang?" Tanong naman ni Collin, tama nga ako, si Layne ang yayayain niya, asa ka naman, Coleen na ikaw yayayain niya, tsk. tsaka andiyan si Aiken.

"Ha? Eh sorry, Collin may date na kasi ako eh, kung gusto mo, si Coleen na lang?" Sabi ni Layne na ikinalaki nang mata ko! Ano nanaman kaya'ng plano nito'ng si Layne?

MatchedWhere stories live. Discover now