Matched 07

81 34 25
                                    

Matched
07: Daddy

"Sorry, Collin. Hindi naman totoo'ng wala lang sakin 'yong pagkakaibigan natin... sorry." At sumunod non ay ang pag-patak ng luha ko habang yakap niya ako ng mahigpit.

"Sana bumalik na tayo sa dati, Coleen, let's be friends again." Sabi niya sa akin at humiwalay sa pagkakayakap, pinunasan ko agad 'yong luha ko kaso ayokong makita niya ako'ng ganito, panget ako kapag umiiyak.

"I'll try." Sabi ko sa kaniya at binigyan nang ngiti, nginitian niya din ako nang sobra'ng lawak, ang cute niya talaga... pero kailangan ko'ng mag-move on sa feelings ko, tama nga siguro si Aik, na madami'ng paraan ang pag-momove on sa isa'ng tao o sa feelings at ang ngayon ay ang pagiging magkaibigan LANG namin ang nahahanap ko'ng solusyon sa ngayon.

"Salamat, Coleen. Salamat." Nginitian niya ako, "Hatid ko na kayo ni Layne." Presenta niya, napakamot naman ako sa alok niya'ng 'yon, kung magpapahatid kami sa kaniya, paano si Aiken? Hays.

"A-ano kase, susunduin ako ni Aiken, isasabay na siguro namin si Layne... pero kung gusto mo, ikaw na lang ulit ang mag-hatid kay Layne?" Alok ko, nang naka-ngiti, pipilitin ko'ng hindi masaktan at gusto ko'ng sumaya siya kasama si Layne.

"Ha? Eh, gusto sana kita'ng makasama kahit saglit lang, gusto ko'ng bumawi sa'yo." Sabi niya sa akin.

"M-may iba'ng oras pa siguro diyan, Collin hehe... h-hali ka na, puntahan natin sila Layne sa canteen, alukin mo siya na ihatid mamaya pauwi, papayag 'yon panigurado." Utos ko, ngumiti naman siya, kapag talaga nababanggit ang pangalan ni Layne sumasaya siya, si Layne lang talaga ang makakapag-pasaya sa bestfriend ko.

Bumalik na kami sa canteen at nakita ko si Layne na nakikipag-usap sa isa'ng barkada ni Collin, at si Tanya naman ay kay Taylor, 'yong ibang kaibigan ni Collin ay kumakain sa katabi'ng table namin. Tumabi ako kay Layne at nanood lang sa kanila'ng dalawa ng kausap niya, nilingon ko si Tanya na ang saya habang kausap si Tanya, sana all.

"Kumain ka na, Coleen?" Napalingon ako kay Collin, teka... kumain na ba ako?

"Ah, eh o-oo, kumain na ako bago kayo dumati—." Hindi ko na natapos pa nang magsalita si Layne sa tabi ko.

"Hindi pa kumakain 'yan si Coleen, binigay ko kasi 'yong burger niya kay Tanya eh, puwede'ng paki-bili mo siya?" Nagpa-cute si Layne kay Collin! Waaah! First time 'tong nangyari! Oh, my shet, baka naman nasasapian na 'to? O... nahawaan kay Tanya! My shet talaga!

"A-ah, h-hoy hindi na, busog na ak—." Tumunog 'yong sikmura ko! 'No ba 'yan, wrong timing! Tumawa lang nang mahina si Collin, nahihiya naman ako'ng tumingin sa kaniya! Sobra'ng nakaka-hiya! Pramis!

"Ibibili na kita, Coleen." Umalis na siya at umorder, tinignan ko naman si Layne na ang laki ng ngiti.

"Layne naman, bakit mo ginawa 'yon? Hay nako naman." Napahilot na lang ako sa sintido ko kasi 'di ko na alam ang gagawin ko! Eh paano ba naman! Gusto niya din kami'ng paglapitin! Hays!

"Haha, hayaan mo na, burger lang naman 'yon, akala mo naman inalok ka'ng maging boyfriend niya." Natatawang sabi niya, napa-iling na lang ako kay Layne nang dumating si Collin dala ang isa'ng 16oz na juice at isa'ng burger at fries! Madadagdagan ng 1% ang taba ko! Nooooo!

"A-ah, e-eh, ayos na sa akin a-ang fries, Collin... gusto mo ba ako'ng tumaba.?" Napa-bulong pa ako pero agad ko din siya'ng nginitan.

"Gusto ko'ng bumawi sa'yo, Coleen, 'di ba sabi ko?" Ngiti'ng sabi niya.

"Ang patabain ako ang gusto mo'ng pangbawi?" Bulong ko ulit pero nginitian ko lang siya kaya naman kinain ko na yong Fries at Burger, 'di ko naman naubos ang juice kasi ang laki! Kaya sinabi ko'ng uminom siya.

MatchedWhere stories live. Discover now