Matched 08

38 30 3
                                    

Matched
08: Kasal Agad?!

Awkward moment kami'ng lahat! Si Aiken, Layne at Ako, kaharap namin si Daddy! Huhu, wala ni sino ma'ng nag-tangka'ng mag-lakas loob na mag-salita, dito talaga natulog si Daddy kasi gusto niya talaga'ng makilala si Aik! Mabuti na lang talaga at pinayagan kami ng mayari ng apartment na patuluyin si Daddy kasi Daddy ko.

"So, this is your boyfriend, Zaicho?" Tanong ni Daddy sa akin, tumango lang ako kasi baka kung ano pa'ng sabihin ko kay Daddy, baka magalit huhu.

"I'm Quinn Aiken Mejia sir, from Mejia Group of Company, currently studying, and planning to take over the MGC from my Father, Gregor Mejia, nice to meet you Sir." Pagpapakilala ni Aik at nag-bow pa kay Daddy, huhu, tama 'yan Aik, be respectful hehe.

"Nice to meet you too, Hijo... so gaano na kayo katagal na magka-relasyon ng anak ko?" Agad ako'ng lumingon kay Aik, oh, my shet! Ano'ng gagawin ko? Baka sabihin niya'ng nito'ng linggo lang!

"Ah, almost 1 month pa lang Sir, 'cause you know Sir, Coleen is a difficult girl, she's not that girl who is easy to get, it takes me 6 months para makuha ko ang 'Oo' niya Sir, and tomorrow is our first monthsary, and it's a perfect timing kasi puwede 'Ho kayo'ng sumama sa amin and para mabantayan niyo din po si Coleen, Sir." Napa-nganga ako sa mga sinabi ni Aik! Paano'ng nangyari 'yon!? First monthsary? Eh wala pa nga'ng weeksary! Nabigla pa ako nang hawakan ni Layne ang kamay ko.

"Nagusap na kami ni Aiken kagabi, planado na ang lahat." Nilingon ko siya nang ibulong niya sa akin 'yon, nginitian niya lang ako at binigyan ng tingin na para'ng sinasabi'ng mag-tiwala lang ako sa kanila, napa-iling na lang ako ng mahina.

"No need, Hijo... I know you will take care of my doughter, andito lang ako kasi gusto ko'ng imbitahan si Zaicho and si Layne dahil ikakasal ang kapatid niya sa sunod na linggo." Lahat kami napatingin kay Daddy, ikakasal si Kuya? Kanino? Wala ako'ng kilala'ng girlfriend nila Kuya!

"D-Daddy? Sino at kanino ikakasal si Kuya?" Tanong ko, nilingon niya ako at nilapitan, dalawa kasi ang kuya ko, si Kuya Zyk at kuya Coen, si Kuya Coen ang panganay habang si Kuya Zyk naman ay isa'ng taon lang ang agwat namin dahil 20 nasiya.

"Ang Kuya Zyk mo, hindi niya sinabi'ng magka-relasyon sila ng kaibigan niya'ng si Ysavel simula Highschool, at nito'ng lunes lang namin nalaman at dahil tumatanda na kami ng Mommy mo eh gusto na nami'ng magka-apo, eh eto nama'ng si Coen eh sa trabaho naka-tuon... tsaka kung gusto mo'ng isama ang boyfriend mo, isama mo." Nanlaki ang mata ko! Oh, my shet! Ikakasal si Kuya Zyk at Ysavel yay! tumango tango ako bilang pag-sangayon! Matagal ko na'ng nararamdaman 'yon eh, no'ng duon pa ako naka-tira sa bahay namin.

Apat kami'ng magkakapatid, at ako ang pangatlo, si Kuya Zyk ay 2nd year college at Business Management ang kinukuha niya'ng kurso, si Kuya Coen naman ay tapos na'ng mag-aral at nag-tatrabaho na sa kumpanya siya ang panganay, ang bunso naman ay si Zaileen na hindi ko kasundo sa bahay, 15 years old na siya at grade 9.

"Ah, Sir, andito din po ako para sana lumabas kasama ang anak niyo, kung papayagan niyo po ako'ng isama siya?" Nilingon ni Daddy at ako si Aik, ngayon ko lang napansin na ang ganda ng porma niya ngayon, at ang guwapo niya sa suot niya'ng 'yon.

"Sure, at aalis na din ako dahil dinaanan ko lang si Zaicho para ibalita ang tungkol sa kasal ng kapatid niya, Hijo ingatan mo ang anak ko." Sabi ni Daddy kay Aik, si Aik naman ay ngumiti kay Daddy.

"I will sir, ingat po kayo." Nag-bow si Aik kay Daddy, tumango na lang si Dad bago lumapit sa akin at niyakap ako bago umalis ng apartment.

"Woooh!" Napabuga ako nang hangin na naipon sa loob looban ko! Hindi ako naka-hinga kanina, kasi akala ko magiging rude si Daddy kasi makikilala niya ang first 'Boyfriend' ko.

MatchedWhere stories live. Discover now