Matched 04

54 32 2
                                    

Matched
04: His Smile

"'Teh! Ano'ng ginagawa natin dito sa locker ng mga lalaki? H'wag mo'ng sabihi'ng mamboboso ka? Oh, my ghad, Coleen!" Singhal nito'ng si Layne habang lumilinga linga pa sa paligid na mistula'ng locker ng mga boys, wala ni isa'ng tao sa paligid kaya kaagad kami'ng naka-pasok dito.

"Nagawa na natin 'to dati, Layne, aangal ka pa? Tsaka may kukunin lang ako dito." Bulong ko sa kaniya at muli'ng humakbang at pumunta sa locker section nila Collin dahil ka-row niya ang locker ni Taylor.

"Make it sure, Coleen na hindi tayo mabibisto sa ginagawa natin, huhu, I'm scared." Tila umiiyak na sabi niya, napa-iling na lang ako at pinihit ang lock nang locker ni Taylor na katabi ng locker ni Collin pero iba 'yong password, na inilagay ko, ang pagkaka-alam ko ay 1460 ang pin nito kasi 14 ang birthday ni Taylor, June naman ang birthmont at 0 kasi 2000 siya pinanganak kaso mali.

"The pin is 6140, June 14, 2000." Bulong ni Layne, nilingon ko siya, pano niya na laman?

"Pano mo na laman?" Tanong ko sa kaniya ang binigyan nang makahulugang tingin, kilala niya si Taylor?

"He's my childhood friend back then but just like you and Collin, I started ignoring him for a reasons, i-open mo na baka may maka-kita pa sa atin." Bulong niya, tumango naman ako at nilagay ang pin na binigay niya at bumukas ito, nakita ko ang loob nang locker ni Taylor, extra shirts and shorts, andon din 'yong P.E. uniform niya, may mga pictures and letters and then iba pa, "Ano ba kukunin mo?" Tanong niya pa, inilapag ko 'yong wallet na hawak ko pa kanina at nag-halwat ng gamit ni Taylor.

"This." At kinuha ko ang journal ni Taylor, kasi lahat nang students dito binibigyan nang journal at kailangan mo'ng magsulat o mag-tala don kasi kasama 'yon sa requirments at dagdag grade din kasi every semester chine-check ng mga teachers and advisers 'yon at tsaka para na daw sa memories nila sa buong college life nila.

"Nice, tara na!" At hinila ako ni Layne pero bago 'yon mabilis ko'ng isinara ang locker ni Taylor at nagsanhi ito nang ingay sa buong locker room nang mga boys kaya naman kami ay kumaripas (binilisan) nang takbo palabas nang locker room at dumiretso sa room namin.

"So ano'ng balak mo diyan? Magdamag mo nanamang babasahin? Pagpupuyatan mo? 'Di ba may trabaho ka pa mamaya sa Café at may schedule ka kay Mrs. Palma sa pagtuturo sa anak niya?" Tanong ni Layne na hiningal pa din kagaya ko, hawak hawak ko ang journal ni Taylor at tinitiga'ng mabuti, this is my new victim's journal and gagawa na ako nang paraan para ma-accomplish ang trabaho ko, ang paglapitin si Taylor at si Tanya.

"Oo, hays, nakakapagod na nga eh pero kakayanin." Naka-ngiti ngunit malungkot ko'ng sabi at inilagay ang journal sa loob ng bag ko, h'wag ka'ng mag-alala hindi ako magnanakaw, sadya'ng kailangan ko lang 'to para sa misyon ko.

Lumipas ang ila'ng oras at uwian na, nakakapagod ang mga discussions at lessons ng mga propesor, makikita mo talaga sa mga estudyante na sobra na sila'ng pagod at maaari na sila'ng mamatay dahil sa pahirap na pahirap na aralin na ibinibigay ng mga guro.

"Naka-tulala ka diyan? Sino nanaman iniisip mo? Hah?" Napa-pikit pikit ako nang marinig ko ang boses na 'yon, si butiki'ng maputi pala!

"A-ano? Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala, nakita lang kita dito sa bench, eh sakto'ng palabas na ako nang gate, nakita kita." Ngiting sagot niya, tumango na lang ako sa kaniya, tinignan ko siya nang may pagtataka, bakit andito pa din siya?

"A-ah, eh may kailangan ka pa?" Tanong ko sa kaniya, nilingon niya ako kasi nakatingin siya sa malayo.

"Ah eh, may ibabalik lang ako sa 'yo." May dinukot siya sa bulsa niya, "Nakita ko 'to sa locker room, buti na lang kasi may keychain na may naka-lagay na C. Castillo." Bigla ako'ng nanigas nang iabot niya sa akin 'yong pitaka ko, nanlaki 'yong mata ko habang naka-tingin siya sa akin.

MatchedWhere stories live. Discover now