Matched 13

40 27 3
                                    

Matched
13: May Gusto Ka Ba...

It's Friday and mamaya na 'yong Masquerade Ball. Nag-papack na ako ng mga gamit ko kasi papasok na kami ni Layne sa school.

Pero masakit yung katawan ko. Buong katawan ko.

Siguro dahil kahapon, nabigla lang siguro yung katawan ko sa biglaang trabaho ko, madami kasi kami'ng estudyante'ng costumers do'n na nag-sstudy kasi malapit na din 'yong periodical test namin at nang iba pa'ng kalapit na school ng University na pinapasukan namin ni Layne.

Pakiramdam ko ay lalagnatin ako neto.

"Ayos ka lang Zaich?" Nagaalala'ng tanong ni Layne nang lingonin ko siya, nginitian ko lang siya at tumango, "Sure?" Pangkukompirma nito sa akin, tumango na lang ulit ako.

Kaya ko pa naman, tsaka sakit lang nang katawan 'to no, kaya'ng kaya ko 'to. Nilapitan ako ni Layne at may dinukot sa bulsa nang bag niya. Gamot pala, inilagay niya 'yon sa palad ko at pumunta sa kusina para bigyan ako nang maiinom.

"Inomin mo 'to, baka sakali'ng maka-tulong sa 'yo." Sabi niya pa at tinapik ang likod ko, tumango naman ako at nagpasalamat. Lumabas na kami at sakto'ng dumating si Aiken. Binati niya kami'ng dalawa ni Layne at ganon din kami ni Layne sa kaniya.

"Are you okay babe?" Tanong ni Aik nang mapansin niya ako, tumango lang ako sa kaniya, "You don't look okay babe, are you sure?" Tanong pa nito.

"Masakit lang 'yong katawan ko, Aik." Tanging sagot ko. Hindi ko kasi puwede'ng sabihi'ng nag-papart time job ako kasi baka may gawin siya'ng kalokohan, hindi naman literal na kalokohan. Ayoko lang na may gawin siya para lang hindi ako makapag-trabaho.

I know na days pa lang or week pa lang ang tagal namin bilang mag-boyfriend and girlfriend pero nakikita ko na 'yong ugali niya. Gumagastos talaga siya para sa akin, sa amin ni Layne, ibibigay niya talaga kapag may gusto ka at kaya niya'ng ibigay. Gaya na lang nang dress na ibinili niya pa sa amin ni Layne. Ayoko nama'ng isipin nang iba na pineperahan ko lang siya.

"Madami kasi'ng ginawa 'yan si CC kasi malapit na 'yong test namin. You know, study hard ang peg nang ati'ng bida." Sabi ni Layne na kasasakay lang nang kotse kagaya ko.

"Then you should go to clinic first before you go to your classroom. Layne, can you bring her in the clinic first?" Paghingi nang pabor ni Aiken kay Layne. Nako naman. Tumango naman si Layne nang tignan ko 'yong mirror na naka-tapat sa kaniya.

"Hindi na kailangan Aiken, uminom na naman ako nang gamot kanina. I'll be okay, promise. 'Wag ka nang mag-alala." Tanggi ko kay Aik.

"No babe, you need to. Or else I'll excuse you to your subject teachers and take you home." Banta pa sa akin ni Aiken, ano pa ba'ng magagawa ko? Eh baka mas hindi ako maka-pasok kung hindi uusong 'tong usapan kasi hindi pa umaandar 'yong kotse ni Aiken.

"Okay, okay, pupunta na ako sa clinic. Tara na, baka ma-late pa kami ni Layne." Pagsangayon ko na, nginitian na ako ni Aiken at pinaandar na ang kotse.

"So... babe, paano kung mas lumala 'yan? Edi hindi ka makaka-attend nang party mamaya?" Nagaalalang tanong ni Aiken. Okay lang naman na hindi ako maka-attend kase I've been attending School Parties eversince na mag-aral ako dito. Naka-date partner ko pa nga 'non si Collin, and siya 'yong first dance ko 'non. Haha, kaso that time, wala pa ako'ng feelings sa kaniya kaya wala'ng malisya non. Kaso ngayon, haysss.

"Okay lang 'yon Aik, ilang beses na din ako'ng nakapag-attend sa gano'ng party, kaya alam na alam ko 'yong pakiramdam nang nasa party." Sabi ko naman nang walang pagaalinlangan. Totoo naman, paulit-ulit lang naman ang nangyayari 'don, sayawan, kainan na siya'ng akala mo'y may birthday party, naubusan pa nga ako last-last year pa nang pagkain.

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon