Matched Finale

56 27 4
                                    

Matched
Finale: Dance With Him

"Teh, akyat ka sa stage, nanalo ka!" Utos nang babae'ng hindi ko naman kilala pero may biglang lumapit sa akin at kinaladkad ako sa itaas nang stage.

Nang maka-dating ako sa stage ay sobra na lang ang gulat ko nang makita si Collin. Naka-ngiti siya habang may hawak na red roses at 'yong isa pa ay kagat kagat niya.

"A-anong meron?" Takang tanong ko sa kaniya. Wala talaga ako'ng ka-alam alam sa nangyayari dito! Tsaka ano'ng nanalo ako? Hello? Imposible'ng nagpa-raffle sila kasi never ako'ng bumili nang ticket or nag-sign up para sumali.

"Nanalo ka, masyado mo kasing ginandahan." Ma-loko niya'ng sabi at natawa pa, tumaas na lang ang kilay ko sa sinabi niya.

"So ayon! Congrats sa ati'ng lucky winner. What's your name, Miss?" Tanong nang Emcee sa akin, wala na ako'ng nagawa at sumagot na lang sa kaniya.

"M-my name is C-Coleen Zaicho Castillo." Nang mabanggit ko 'yon ay kaniya kaniya sila'ng bulungan sa harapan ko.

"Oh, she's CC The Matchmaker. Ang ganda niya."

"Right, and one thing, she helped me para maging close kami ni Aeron. Thanks to her talaga."

"Oy! Ako din kaya, tinulungan niya ako para mapa-lapit kay Taylor Marcus ko, hihi!"

"Mukhang kilala ka nang mga kababaihan dito ah? Haha, by the way, I just want to say na nanalo ka as Queen Of The Night and meet your partner, James Collin." Ngiting ngiti'ng tugon nang Emcee sa akin at tinuro pa si Collin na naka-tayo na sa harap ko. Inabot niya sa akin 'yong roses na hawak niya.

"Congrats." Bulong niya. Nginitian ko lang siya at tinanguhan. Pa-talikod na sana ako nang pigilin ako nang Emcee at sinabing kami'ng dalawa ni Collin ay sasayaw nang sweet song dito mismo sa stage.

At dahil duon ay gulat na gulat akong napa-tingin kay Collin nang hawakan niya ang bewang ko at kamay, pinanlakihan ko siya nang mata pero ngumisi lang siya sa akin at tinuloy ang pag-sayaw, ako naman ay parang poste'ng naka-tayo lang at hindi alam ang gagawin. Well, alam ko ang gagawin ko, ang umalis sa stage pero ang problema ay hindi ko magawa. Ewan, hindi ko lang magawa.

Habang nasa kalagitnaan nang pagsasayaw ay gumaya na ang ilang magkaka-partner sa baba nang stage. Hinila ako ni Collin pababa nang stage at kinaladkad sa kung saan.

"Uy! Collin san mo ba ko dadalhin?" Pagmamaktol ko habang hila hila niya ako. Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pag-hila sa akin. Hanggang sa ma-realize kong nandito kami sa Garden. Pero sobra na lang din ang ikinagulat ko nang may maiita ako'ng naka-set na table, may foods 'don and wine. May bouquet ng bulaklak na rosas. May mga kandila di'ng naka-lead patungo sa table.

Huminto kami'ng dalawa nang matapos na ang paghila niya sa akin at nang bitawan niya ang kamay ko. Humarap siya sa akin at huminga nang malalim. Ano'ng meron? Ito na ba 'yong sinabi niya'ng manliligaw siya kay Layne? Dinala niya ba ako dito para sabihing dalhin si Layne dito? Malamang.

"A-ah, t-tatawagin ko si Layne sa covered cour-." Hindi ko na natapos pa nang hawakan niya ang kamay ko nang akma na din ako'ng tatalikod para tawagin si Layne.

"No, Coleen. This is for you, not for Layne." Sambit niya. Kununot ang noo ko. Gago ba 'to? Ano'ng para sa akin 'to?

"A-anong ibig mo'ng sabihi'ng para sa akin 'to?" Gayon pa man ay nagtataka pa din ako sa sinabi niya.

MatchedWhere stories live. Discover now