CHAPTER 29

476 43 16
                                    

Author's Note
Ang inyong mababasa ay pawang walang katotohanan at purong imahenasyon lamang inyong lingkod. Vote and comment. Thanks!





















Bahay ni Reyana

:Condolence Owen.
:Condolence Lea and Jel mauna na kami.
:Nasa mapayapang lugar na si Reyana,hayaan na nating matahimik ang kaniyang kaluluwa

Maraming bumisita sa libing ni Reyana, iniwan nila ang abo sa  bahay ni Reyana para maging buhay pa din sa kanilang alaala.

Hawak ni Angeline ngayon ang pinaglalagyan ng abo na inaakala nilang si Reyana.

Angeline: Nakatulala.

Erik: Babe? Kung kumain ka muna kaya? Akin na muna yan. Dun ka muna sa kusina.

Angeline: Ayaw ko. Umiiyak

Erik: Babe naman Pinunasan ang luha ni Jel.

Angeline: Umiiyak.

Erik: Tama na, kasama na niya ang Mama mo? Okay na sila dun.

Angeline: Hindi e!

Erik: Naiintindihan kita Jel.

Angeline: Hindi Erik! Hindi mo ako maiintindihan kasi hindi mo nararamdaman! Hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ka kaya kahit kailan hindi mo ko maiintindihan! Walang makakaintindi sakin, si Mame Reyana lang siya lang ang makakaintindi sakin.

Erik: Jel  Niyakap niya si Jel.

Angeline: Umalis ka muna.

Erik: Huh?

Angeline: Umalis kana, ayaw kita makita. Umalis kana!

Erik: Hindi, ayaw ko! Hindi ako aalis sa tabi.

Angeline: Please umalis kana! Please! Gusto ko muna mapag-isa. Gusto ko lang makasama si Mame. Please.

Erik: Osige, pero kapag may kailangan ka nasa kusina lang ako. Tawagin mo lang ako ha.

Angeline: Ok.

Naiwan mag-isa si Jel.

Angeline: Mame

Umiiyak

Angeline: Ma?? Bakit Ma?! Bakit kailangan mo kong iwan?! Ilang beses ka na naming sinabihan pero ang tigas ng ulo mo Ma. Paano na ako ngayon niyan? Ma, ayaw ko na ding mabuhay kung hindi dahil sa'yo wala ako dito sana sinama niyo na lang din ako diyan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko Ma, mag-isa na lang ako kunin mo na din ako.

Lea: Niyakap si Jel.

Angeline: Umiiyak din at mas lalong hinigpitan ang yakap kay Lea.

Lea: Tahan na Jel, tahan na. Nandito pa ako, nandito pa kami ni Erik. Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa at kailanman hindi ka mag-iisa.

Angeline: Si Mame Tita, hinde ako papayag na ganun lang yun. Imposibleng isang insidente lang sa kalye yun, kapag nasigurado kong sinadya ang pagkakamatay ni Mame, baka mapatay ko na din ang pumatay sa kaniya.

Lea: Jel, hayaan mo na ang batas at ang Diyos ang magparusa sa kaniya. Hindi gugustuhin ng Mame mo kapag nalaman niyang ganyan ang iniisip mo.

Angeline: Mame! Mame! Humahagulgol.

Owen: Tara? Kumain na tayo sa loob? Jel kain na tayo? Nagluto na ako.

Angeline: Tinarayan niya lamang si Owen.

Hold It Back Together [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt