THE PAIN

542 42 18
                                    

AUTHOR'S NOTE
ANG INYONG MABABASA AY PAWANG WALANG KATOTOHANAN AT PURONG GAWA LAMANG SA IMAHENASYON NG INYONG LINGKOD. THANK YOU AND MABUHAY! MWAAAAA

Reyana's Pov
Pinagpabuti kong pumunta sa bahay ko. Bago ko lisanin ang Batangas gusto ko muna silang makita, dahil hindi na ako makakasiguradong babalik pa akong muli dito. Hindi ko na gugustuhing bumalik pa dito. Gusto ko na lang matahimik sila pati na rin ako.

Nagpunta si Reyana sa kaniyang bahay.

Reyana's Pov
Pinagpabuti kong unang puntahan si Jel, alam kong siya ang unang masasaktan sa balitang natagpuan nila.

Pumasok si Reyana sa kwarto ni Jel, mahimbing na natutulog si Jel.

Niyakap ni Reyana si Jel

Reyana: Kawawa naman ang anak ko

Umiiyak

Reyana: Alam kong ikaw ang pinakamaapektuhan, alam kong masakit anak, pero tanggapin mo na. Kailangan munang lumayo ng Mame mo, kailangan kong umalis. Gusto kong maging masaya ka anak, gusto kong tumayo ka sa sarili mong mga paa. Huwag kang matakot mag-isa dahil kakayanin mo yaang lahat. Kung tutuusin nga hindi ka nag-iisa nandiyan ang Tita mo si Erik at ang Papa mo. Alam kong nasasaktan ka ngayon, pasensya kana anak kailangan lang gawin ito ni Mame. Hahanapin ko lang ang sarili ko, ako muna ngayon. Mag-iingat ka anak ko. Huwag na huwag kang magtatanim ng galit kahit kanino man, at gusto ko kung nasan man ang Papa mo nandun ka lang din dapat sa tabi niya. Mahal na mahal kita Jel.

Sabay halik sa noo ni Jel

Pagkatapos niyang bisitahin si Jel ay nagtungo din si Reyana sa kwarto ni Lea. Katulad ni Jel, mahimbing din na natutulog si Lea.

Reyana: Ipapaalam ko ba sa'yo na buhay parin ako? Hindi na siguro kailangan, baka dahil sa kadaldalan mo mabuko pa ako HAHAHA sorry ha kahit tulog ka inaaway pa din kita. Tama ka pala talaga Lea, hindi na dapat pala ako sumugal pa. Sana naniwala na lang ako sa'yo edi sana hindi na nagkanda letse letse ang buhay natin. Lea, gusto kong hanapin mo kung sino ba ang tunay na nagpapatay sakin alam kong magaling ka diyan remember? Idol mo si detective conan? Kaya humihiling sana ako na imbestigahan mo ang nangyare sakin. Ikaw na ang bahala. Lalong lalo na kay Jel, ikaw na din ang bahala sa bahay na ito.

Niyakap niya si Lea.

Lumabas agad si Reyana sa kwarto ni Lea, at nagtungo sa kwarto nila ni Owen.

Hindi niya napigilang mapaluha

Reyana: Owen?

Nakita niyang nakahiga sa sahig si Owen at maraming bote ng beer ang nakaklat sa sahig. Ang kamay ni Owen at duguan na para bang sinuntok sa pader

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Reyana ng nakita niya ang mukha ni Owen na pugtong pugto sa kakaiyak.

Reyana: O... Owen....

Nauutal niyang sabi.

Reyana: Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung maniniwala ako sa dahilan mo, galit na galit ako sa'yo galit na galit ako Owen! Galit na galit. Gusto kitang saktan ulit, sipain sabunutan tadyakan! Gusto kong ibalik sayo lahat ng sakit. Gusto kong maramdaman mo kung ano yung sakit na nararmdaman ko ngayon! Pero hindi e, hindi ako ganung klaseng tao. Masasaktan ako pero hindi ako babawi. Swerte mo lang kasi kahit kailan hindi nawala yung pagmamahal ko sa'yo kahit anong galit ko hindi kana ata mawawala sa utak at puso ko.

Napatigil siya at napahinga ng malalim

Reyana: Bakit ganun!? Sobrang gago naman! Sobrang unfair bakit sayo andali lang magcheat andali lang maghanap ng iba!? Dahil ba ganito lang ako? Dahil ba kapalit kapalit ako? Sawa kana ba? Sa lahat ng ibinigay ko? Kailan ako magiging sapat?

Hold It Back Together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon