EPILOGUE

1.1K 50 35
                                    

May mga bagay sa mundo na hindi natin inaakalang pwedeng mangyare. Akala natin, okay na, yun na, masaya na, pero may mga bagay parin palang hindi aayon sa sarili nating kagustuhan. Nagagalit tayo dahil hindi natin nakukuha ang mga bagay na gusto natin at ito'y naguudyok satin para makagawa ng mali at ikakasakit ng iba. Dahil sa pagiging makasarili, tuluyan tayong nakakain ng sariling imahenasyon ng mga salitang baka sakali, pero palaging tatandaan lahat ng ating ginagawa ay may kapalit, good and bad consequences. Hindi rin masamang maging marupok lalo na kung mahal mo ang isang tao, pero wag lang susobra baka ikaw ay tuluyang maging tanga.
Sa pag-ibig, kahit alam nating talo susugal tayo. Swertehan na lang kung mananalo ka, kung talo edi aray. Kapag handa kang magmahal, dapat mas handa kang masaktan yan ang palagi mong tatandaan.
Ang istoryang
"HOLD IT BACK TOGETHER"
ay ang pangalawang yugto ng
"My One Long Last"
Katulad ng una, handa paring ipaglaban ni Reyana ang pagmamahal niya kay Owen, hindi naging madali dahil kay Monique, pero napatunayan nilang this time, sila na, sila na, hanggang sa huli.
Sina Erik at Angeline naman ay mas piniling kapitan ang isa't isa. Kahit kemerut boom boom pa paminsan minsan si Jel, mas pinili ni Erik ang magstay sa piling ng taong Mahal niya, sa piling ni Jel.
Si Lea naman ay nagpapakitang kaya niyang gawin ang lahat para lang sa ngalan ng pag-ibig, pero hindi din natin inasahan ang pagtatraydor na kaniyang nagawa. Siguro nga kahit
ang pinakamalalapit sa atin kaya tayong saksakin habang tayo'y nakatalikod. Kaya mabuting siguraduhin ang mga taong dapat pagkatiwalaan.

Author Shine
To God Be The Glory
Dec. 25, 2019

MERRY CHRISTMAS TEAM SHINES! ILOVEYOU ALL.
ISABOG ANG PAG-IBIG SA DIYOS!
MAGBIGAYAN
MAGTULUNGAN
AT
MAGMAHALAN.

THANK YOU!

Hold It Back Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now