ENDINGGG NAAA!

1K 50 34
                                    

Minabuti ni Lea na sa malayo sila mag-usap ni Aga.

Aga: Lea?

Lea: Hey, I'm sorry.

Aga: Hin-hindi ka naman dapat nagsosorry sakin. Dapat kay Reyana.

Lea: Nakapagsorry na ako kay Reyana at alam kong kulang pa yun, huwag kang mag-alala pagbabayaran ko lahat ng nagawa ko.

Aga: Atsaka hindi ka naman dapat nag-iisip ng mga kung ano-ano. What if natuluyan ka ngang nahulog dun sa building ha!? Paano ha!? Paano kung natuluyan ka!? Buti na lang sumaklolo si Jolo. Hayst! Lea Salonga ano ba!?

Ngumiti si Lea kay Aga.

Lea: Ito, ito yung matagal ko ng hinihintay sa'yo yung iparamdam mo sakin na mahalaga din ako.

Aga: Ma-mahalaga ka naman sakin. Matagal ka ng mahalaga sakin.

Lea: Oo, mahalaga nga ako, mahalaga ako bilang kaibigan mo.

Napailing naman si Aga.

Lea: Tama ako diba?

Aga: Lea--

Lea: I know, alam ko. Alam ko lahat.

Aga: I'm sorry, pero mahal kita.

Lea: Mahal mo ko?

Aga: Mahal kita, kasi mahal kita.

Lea: Hindi ako ang mahal mo Aga, wag na tayong maglukuhan. Alam ko lahat, lahat ng katotohanan.

Aga: Maniwala ka sakin mahal kita.

Lea: Bakit ganun? Bakit hindi ko maramdaman na mahal mo ko? Kasi ba hindi totoo?

Aga: Lea,

Lea: Mahal kita Aga, mahal na mahal.

Unti-unting lumapit si Lea kay Aga.

Aga: Lea, siguro may mga bagay na kailangan nating hintayin bago magbunga. Maybe, hindi pa ngayon pero pinapangako ko ma-mahalin din kita.

Umiiyak na nakangiti si Lea kay Aga.

Lea: Parang mas masakit naman ata yun.

Pinunasan ni Lea ang luha ni Aga.

Lea: Huwag mong piliting mahalin ako, dahil mas lalo ka lang masasaktan. Lalo lang tayong magsasakitan.

Aga: Pero ayaw kong mawala ka.

Lea: Ayaw mo kong mawala? Dahil ba ako na lang yung nandito kaya ayaw mo kong mawala?

Aga: Hindi.

Lea: Aga, ang kaya ko lang gawin ay ang mahalin ka pero hindi ko kayang ipilit sa'yong mahalin mo ako. Ayaw kong piliin mo ko dahil ako na lang yung nandito.

Niyakap ni Lea si Aga.

Lea: Thank you, thank you for making me happy. Thank you kasi naramdaman ko kung paano mahalin at kung paano tanggapin.

Aga: Lea, please no.

Lea: Ang sarap mong mahalin. At wala akong pagsisihang minahal kita.

Aga: Leaa, nooo.

Lea: Worth it nang isinugal ko ang lahat, swertehan na lang kung mananalo pero wala e palaging talo kaya ngayon edi aray. Hahahaha.

Aga: Lea naman e, tama na. Please just stay.

Lea: Kapag ba nagstay ako? Mawawala yung sakit?

Aga: Baka nga mas lalo pa kitang masaktan.

Lea: Kaya nga, kaya nga habang maaga pa lang. Palayain na natin yung isa't isa.

Hold It Back Together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon