Chapter 1

14K 118 16
                                    

Oooppss!! teka lang, nabasa mo na ba ang Part 1 nito? Hindi pa? Bakit nasa Part 2 kana? Mabuti pa, basahin mo muna ang Part 1, para mas masaya! Oh ano pang hinihintay mo? Hindi mo mahanap ang Part 1 nito? Sus, i-follow mo lang ako, then pumunta ka sa mismong profile ko at makikita mo ang Part 1 ng istoryang ito! Salamat po....




_____________________________________

Magkasama kami ngayon ni Danny dito sa kwarto ko. Nakahiga kami, nagbabasa ako ng Wattpad habang siya naman ay naglalaro ng ML.

Nasa last chapter na ako sa binabasa ko nang bigla nalang itong sumigaw, kaya sa pagkakagulat ko ay nabitawan ko ang hawak kong cellphone at dumeretso ito sa mukha ko.

"Huy! Ano ba yan babe?! Nakakagulat naman to! Umuwi kna nga, anong oras na oh." inis kong sabi dito. Mag-a-alas onse na kasi ng gabi ay nakatambay pa ito dito.

"Hala siya..." yumakap ito sa akin na animo'y naglalambing. "Pinapauwi mo na ako babe?" sabi nito at hinahalik halikan ang pisngi ko.

"Eh kanina kapa naglalaro jan eh. Hindi mo na ako pinapansin... sa tuwing magkasama tayo ML ang inaatupag mo." kunyari galit ako, pero totoo nagpapalambing lang, hahaha.

"Sorry na... bumabawi naman ako palagi pagkatapos ko maglaro eh.." pamimilosopo pa nito.

"Ano namang pambawi? Sex? Naku..." natatawa kong sabi. "Ansakit sakit pa nung tumama sa noo ko, nabitawan ko cellphone, nakakainis ka kasi eh!" sabi ko habang hinahaplos ang noo kong natamaan ng cellphone, saka ko siya hinampas ng mahina.

"Saan ba masakit? Amin na at hahalikan ko nalang." naku, talaga tong mokong na to.

"Tigilan mo nga ako jan!" pag iinarte ko naman kunyari.

"Sorry na babe..." dinaan talaga ako sa pagpapa-cute?

"Ewan ko sayo!" sige pa, lambingin mo pa ako...

"Hayaan mo at tuturuan din kita maglaro nito..." aba at namimilosopo nga.

"Baliw! Ayoko! Baka mawalan ako ng time sayo kapag tinuruan mo ko niyan, sige ka." warning ko rito. Natawa lang ito saka ako niyakap.

"Sandali babe, naiihi ako." sabi nito saka dali daling pumunta sa cr.

Sakto namang pagpasok nito sa cr ay bilang nag-blink ang cellphone nito at kinuha ko naman agad.

"Angeli?" bigla nalang lumabas sa bibig ko nang makita ang chat head nito. Dali-dali ko naman itong binuksan. Nag-send ito ng picture na kinunan ang sariling mukha na tumutulo ang mga luha nito. Hindi ko alam pero parang napangisi nalang ako na parang gustong gusto ko pa yung nakita ko.

Nang marinig kong nagbukas na ang pinto ng cr ay binitawan ko na ang cellphone nito.

"Babe... tulog na tau?" nakakaloko ang ngiti nito habang papalapit sakin.

"Ano ka, sinuswerte? Ilang gabi kanang natutulog dito ah, namimihasa kana!" Pigil tawa kong sabi saka binato ng unan.

"Sus, kunwari kapa, gustong gusto mo naman!" sabi pa nito saka ako kiniliti sa may tagiliran.

"Babe, ano ba!! Nagbabasa ako eh." arte kong sabi, pero ang totoo ay tapos ko nang basahin lahat ng chapters ng binabasa ko.

Kinuha nito sakin ang hawak kong cellphone saka ako sinunggaban ng halik. Siyempre, kelan pa ako tumanggi sa mga halik nito, hahaha. Habang naghahalikan kami ay kusa namang umangat ang mga kamay ko papunta sa batok nito. Ang kaliwang kamay ko ay dahan dahang humahaplos sa likod nito. Nasa ibabaw ko siya at ramdam na ramdam ko ang matigas na ari nito sa maselang parte ng katawan ko. Naka-manipis na pantulog lang kasi ako.

Love and Lust Part IIWhere stories live. Discover now