Chapter 2

8.3K 73 1
                                    

Nang matapos na lahat ng trabaho dito sa shop ay pinaupo ko na sila sa dining area para masimulan na ang meeting.

"So, guys, may idea na ba kayo kung bakit tayo nagme-meeting ngayon?" tanong ko sa tatlo.

Nagkatinginan silang tatlo, saka sumagot si Cathy. "Madadagdagan sahod namin ma'am!" pagkasabi nun ay nagkatawanan sila.

"Gaga!" sabi ko habang pinipigilan ang pagtawa. Well, naisip ko kasi na bakit hindi natin gawing 24hours na open ang shop? Kasi napapansin ko na kapag nagsasara tayo ng shop ay may mga humahabol pa. And then dadagdagan natin ang product na ibebenta natin, like sandwich, doughnuts, burgers and fries, at magdadagdag na tayo ng coffee, hot and iced coffee. Ano sa tingin niyo?" Tuloy tuloy kong saad.

"Yes ma'am! Marami nga sa mga customer namin nagsa-suggest ng burger." si Mariel.

"Tapos may nagtatanong pa ma'am kung open ba tong shop ng 24hours." sabat naman ni Janine.

"So, dahil nga magiging 24 hours na taung open sa shop, automatic yan na mangangailangan pa tayo ng mga tao, kasi kung kayo kayo parin, baka umabsent na kayo ng umabsent." sabi ko. "Sa OT naman, siguro magkakaroon nalang kau ng OT, kapag may magd-day off, at salitan kayo sa day off at OT, walang lamangan." dagdag ko pa.

"Ma'am kelan po tayo mag-start mag 24 hours?" tanong naman ni Mariel.

"Siguro by next week. Depende kung makapag recruite agad tayo ng mga bago." sagot ko. Pagkasabi ko nun ay may kinuha ako sa loob ng office na paper na pnrint ko kanina saka ipinakita sa kanila. "Ipaskil niyo to bukas jan sa labas, para makita ng mga gusto mag apply. Kailangan pa natin ng mga apat siguro or lima." dagdag ko pa.

"Hala ma'am, okay na yung apat, para naman makapag OT kami, hahaha." si Janine.

Natawa ako sa sinabi nito, pero sumang ayon nalang ako.

"Since maglilimang taon na tayo dito sa shop, siguro naman ay kabisadong kabisado na ninyo lahat ng alituntunin dito. Rules and regulations, kabisado niyo pa ba?" tanong ko sa mga ito.

"Yes ma'am!" sabay sabay pa ang tatlo.

"Sus, yes ma'am kayo ng yes ma'am, lagi naman kayong incomplete uniform." sabi ko. "So, merong isa sa inyo na nangibabaw para sakin na karapat dapat na gawin kong Team Leader. Siya ang mamumuno sa inyo habang wala ako. At dapat ay makikinig kayo sa kanya, dahil mas mataas na siya sa inyo. At kung sino ka man, sana ay hindi lumaki ang ulo mo. Siyempre gagawin mo parin ang mga trabaho mo. Basta't huwag mo lang kukunsintihin ang mga kasama mo kapag may substandard silang ginawa o nagawa." Paliwanag ko. Kitang kita ko sa kanilang tatlo na kanina pa sila nagtitinginan, at wala talagang ideya kung sino ang tinutukoy ko. "May idea na ba kayo kung sino ito?"

"Feeling ko ma'am si Cathy." sagot ni Janine.

"Bakit?" tanong ko naman.

"Kasi ma'am, lagi siyang naglilinis, at always maaga pumapasok, tsaka hindi umaabsent." sagot naman nito.

"So, ikaw hindi?" pigil tawa kong sabi.

"H-hindi naman sa ganun ma'am." pagkasabi nito ang tumawa ang dalawang katabi.

"Well, tama... ikaw nga Cathy." saka ako bumaling kay Cathy.

"Hala ma'am kinakabahan ako." sabi nito.

"Bat ka naman kinakabahan? Hindi ba dapat mas matuwa ka pa kasi mapo-promote ka na?" tanong ko rito.

"Nahihiya ako ma'am, hindi ko alam gagawin ko." sabi pa nito.

"I-ti-train kita for 2weeks, ituturo ko sayo kung paano mo gagawin ang mga schedules niyo, sa payroll, at marami pang iba." sabi ko rito. "At ire-remind ko lang sa inyo na hindi ibig sabihin nito ay hindi na ako pupunta punta rito. Kaya sa mga mahilig jan mag-substandard iparating mo lang sa akin Cathy." sabi ko.

Love and Lust Part IIWhere stories live. Discover now