Chapter 7

5.3K 63 1
                                    

"Kamusta kana, Eunice? Lalo ka atang gumaganda..." masayang pangangamusta nito, hindi ko tuloy alam kung may ibig sabihin ba ang sinabi niyang iyon.

"Naku, ayos lang naman, ikaw ang kamusta! It's been 2 years din nang huli tayong magkita eh, dahil nga kinuha ka ng parents mo sa States. Ikaw? Hmmm.. kamusta kana? K-kelan ka pa nakauwi ng pinas?" pinilit kong maging kalma lang, para hindi nito mahalata na medyo kinakabahan ako.

Kinakabahan ako, hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa mga susunod na mangyayari.

"Ayos lang naman ako. Hmmm, last month pa ako nakauwi ng Pinas. Naparito nga pala ako dahil gusto ko lang sana itanong si Danny? Wala kasing tao sa bahay niya eh, sarado din yung computer shop niya. Hmmm... hindi pa ba siya nakakabalik dito mula nang magbakasyon siya sa Parańaque?" Hindi ako makapag-salita sa mga narinig ko.

Alam niya na galing Parańaque si Danny? Siguro lagi silang magkachat. Akala ko ba, wala na sila? 2 years na ang nakakalipas mula nang sinabi ni Danny na wala na sila ni Angeli.

Akmang magsasalita pa lang ako ay biglang lumabas sa mula sa kwarto ko si Danny.

"Babe nasan na pal---" natigilan ito nang magtama ang mga mata nila ni Angeli. Alam kong parehas itong nabigla, lalong lalo na si Angeli dahil napatayo pa ito mula sa pagkaka-upo.

"Babe? T-teka! Hindi ba at mag-bestfriends lang kayo?" napatayo na din ako nang biglang magsalita si Angeli. Kaya napalingon ako kay Danny. So ibig sabihin, hindi pa alam ni Angeli ang tungkol samin?

"Oh, I-i'm sorry... nabigla lang ako. So, kelan pa? I mean, wala kasing nakwento si Danny sa akin about dito." bigla itong naging kalma. Si Danny naman ay hindi makapag-salita, nanatili lang itong nakatingin sa amin.

Nanatili ang katahimikan at para lang kaming estatwang nagtititigan ni Angeli. Ilang segundo lang ay bumaba na rin ng hagdan si Danny saka ito lumapit sa amin.

"Ah... Angeli, g-girlfriend ko na nga pala si Lee, m-magto-two years na." Inakbayan niya pa ako pagkasabi nun, pero hindi ito maka-tingin ng deretso kay Angeli. Nanatili lang itong nakayuko at ramdam ko ang panginginig ng kamay nito na nakaakbay sa akin. Damang dama ko din ang mga malalakas na paghinga nito.

"Almost 2 years? So ibig sabihin, kakalipad ko palang ng States, kayo na? Kaka-hiwalay lang natin...kayo na?" nanatiling kay Danny lang ang tingin nito, at alam kong hindi ito tumitingin sa akin kahit na hindi ko ito nakikita. Ramdam ko ang hinanakit sa puso nito.

"I-im sorry..." tanging sambit lang ni Danny at hindi parin ito makatingin ng deretsong sa dating kasintahan.

Nagkibit balikat lang si Angeli bago nagsalitang muli, "O-okay lang... matagal na rin naman yun, nangyari na eh, hmmm... Congratulations nalang sa inyong dalawa." Pagkasabi nun ay kinuha nito ang hand bag niya na nasa sofa. "Ahm, Eunice Lee, p-pasensya na sa mga narinig mo sakin. M-mauna na ako." pagkasabi nun ay dali dali itong lumabas ng bahay.

Naka-sunod lang ang tingin namin ni Danny sa papalabas na si Angeli. At nang makalabas na nga ng gate ito ay saka nagpaka-wala ng malakas na buntong hininga si Danny. Kumalas ako mula sa pagkaka-akbay sa akin ni Danny saka dali daling tinungo ang hagdan. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko matapos ang mga narinig ko.

Hahakbang palang ako sa unang baitang ng hagdan ay napansin ko si manang Josie sa may tabi. Nahiya tuloy ako, kaya yumuko nalang ako saka umakyat papunta sa kwarto ko. Hindi kasi ito sanay na may mga nangyayaring ganito sa buhay ko.

Papasok na ako ng kwarto ko nang marining ko ang mga yapak ni Danny paakyat at sinundan ako kaya hindi ko na isinara ang pinto. Dumiretso ako sa aking kama saka naupo lang gilid nito at nakatingin sa malayo.

Love and Lust Part IIWhere stories live. Discover now