Chapter 4

6.4K 75 4
                                    

Iniwan ko na muna si Danny sa dining area habang tinitrain ko si Cathy. Nasa loob kami ng office at itinuro ko sa kanya yung mga sinave ko sa computer na gagawin niya habang wala ako. Habang abala kami sa discussion ay biglang kumatok si Janine sa pinto.

"Buksan mo muna yun Cathy." utos ko rito. ini-lock kasi namin ang pinto para walang istorbo at mabilis kaming matapos.

"Ma'am, may mag a-apply ata." sabi ni Janine saka ini-abot sa akin ang resume, kaya tumingin ako sa CCTV at nakita ko ang binatang nakatayo sa harap ng counter.

"Sabihin mo, balik siya 1:00pm for interview." sabi ko naman dito.

"Sige Ma'am." sabi nito saka lumabas na ng office at isinara na ang pinto.

"So, Cathy... ikaw na ang mag iinterview dun mamaya. 'Wag mo naman pahirapan sa mga tanong no, baka mamaya dumugo ilong nun sa mga tanong mo ah. At kung sa palagay mo pwede na siya, ibigay mo nalang ito sa kanya." kinuha ko ang kapirasong papel na nakalagay duon ang list ng mga requirements. "At kapag nakumpleto na niya iyan, pwede mo na siyang pag-start." sabi ko.

"Pa'no pala yung uniform niya ma'am?" tanong nito.

"Sa uniform naman, mag-white t-shirt and black pants muna sila, tapos black shoes and black socks, habang inoorder ko yung mga uniforms nila, siyempre hindi naman natin alam kung anong sukat nila diba? Gaya ninyo, libre din ang uniforms nila sa una, sa pangalawang order ay may bayad na ito." sabi ko.

"Sige ma'am." sagot naman nito.

"So, mamayang 1pm, aalis kami ni Sir Danny niyo at mamimili ng mga gamit para sa mga bagong products natin." dagdag ko pa.

"Amin na pala yang name plate mo at papalitan na natin.", sabi ko habang binabasa nito ang mga papers na binigay ko sa kanya. Kinuha naman nito sa dibdib niya at ibinigay sa akin. Ini-abot ko rito ang bago nitong name plate na pang Team Leader.

"Thank you ma'am." sabi nito.

"Silipin mo nga saglit kung anong ginagawa ni Sir Danny mo dun, baka naiinip na yun, naku, napaka-mainipin pa naman nun," pag-uutos ko rito.

Dahil may glass window naman ang pinto, sinilip nalang nito roon si Danny.

"May ka-video call ata ma'am." sabi nito.

"Ano?!" nagulat ako aa reaction ko kaya natawa ako ng mahina. Ngumiti naman ito nang may ibig sabihin.

"Ma'am kayo na ni sir Danny?" tanong nito na hindi na ata maalis ang ngiti sa labi.

"Oo, kaya tigil tigilan mo yang pagngiti mo ng ganyan ha!" natatawa kong sabi saka ito inirapan.

"Sana all! Kaya pala ang sweet niyo kanina, hahaha." sabi nito.

"Gaga! Chismosa. Tigilan moko sa pa-sana all sana all mo na naman jan Cathy." di ko mapigilang matawa sa haliparot na babaeng to.

"Oh, sinong 1st break sa inyo?" pag-iiba ko sa usapan.

"Si Janine at ako ma'am." sagot nito.

"Ikaw muna mag 2nd break, palitan mo muna yung dalawa dun at nang makapag break na." sabi ko rito.

Nang makalabas ng office si Cathy ay lumabas na din ako at pinuntahan si Danny.

"Break muna tayo." sabi ko kay Danny habang abala ito sa kung sinomang ka-chat nito.

"Ano? Bakit naman? Anong nagawa kong mali?" tanong pa nito na parang nagpapaawa.

"Naku isa kapa eh! Tigilan mo nga ako sa mga ka-corny-han mo." sabi ko saka inirapan.

Napalingon naman ako kay Cathy dahil sa pag ubo ubo nito kunwari, nangangantyaw na naman ang bruha. Hindi ko mapigilan ang matawa.

"Gaga! magtinda ka jan." sabi ko rito saka inirapan at lumabas na muna kami ni Danny sa shop.

Love and Lust Part IIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora