Chapter 3

7.8K 85 19
                                    

"B-babe! Anjan ka pala!" lingon nito na halatang gulat na gulat.

"Sino yun?" tinutukoy ko ay ang kausap ni Danny sa video call.

"A-alin?" maang maangan pang tanong nito.

Sa gigil ko, naupo ako sa tabi nito ng padabog saka ito hinarap. "Magsabi kanga sakin ng totoo! Kayo pa ba ni Angeli? Yung totoo, hanggat maaga pa!" kunot noong gigil na gigil kong tanong.

"W-wala... n-nangangamusta lang yung tao, ano kaba..." sabi nito.

"Ang tanong ko ang sagutin mo! Kayo pa ba? Break na ba talaga kayo? O gawa gawa mo lang yun para magamit ako kasi wala siya?!" Hindi ko na alam kung gaano kalakas ang boses ko ng mabitawan ang mga salitang iyon.

Tumawa lang ito ng mahina na siyang lalo kong kinainis. "Kung anu-anong iniisip mo. Nangamusta lang siya." sabi pa niya nang tumatawa ng mahina.

"At ano namang nakakatawa dun?! Danny ano ba?! Magseryoso ka naman!" gigil kong sabi. "Ano, kayo pa ba? Para alam ko gagawin ko. Kasi nauna naman talaga siya sakin eh." biglang humina ang boses ko saka ako yumuko.

"Babe... magkaibigan nalang kami. Wag mong isipin yun. Oo wala na kami. At mahal na mahal kita." sabi nito saka ako niyakap ng mahigpit.

Pagkasabi nun ay feeling ko okay na ako. Narinig ko lang yung salitang mahal niya ako, okay na ako. Ganun ko na nga talaga siya kamahal.

"Teka, gusto mo mag-coffee? Kumain ka na ba?" tumayo ito sa pagkakaupo saka dumeretso sa lababo at naghugas ng mga kamay.

"Yes, please." pabebe kong saad.

"Pupunta ka ba sa shop mo ngayon babe?" tanong nito habang kumukuha ng tasa para magtimpla ng mainit na kape.

"Oo eh, maghapon uli ako roon, at iti-training ko si Cathy. Para naman kahit saglitan nalang ang pagpunta ko dun pag dinadalaw ko ang shop." sagot ko.

"Pwede ba akong sumama?" tanong nito saka inilapag ang mainit na kape sa harap ko.

Napatingin ako sa kanya saka ako napangiti. "Sure ka? Maghapon ako dun." paalala ko. Baka kasi nagbibiro lang ito.

"Oo naman, okay lang." Sagot nito.

"Papano yung computer shop mo? sinong magbubukas?" kunot noo kong tanong.

"Linggo naman ngayon eh. Hindi ako magbubukas, para sayo." sabi nito sabay kindat pa.

"Luko-luko! Eh hindi ka naman talaga nagbubukas pag linggo eh." Hinampas ko ito ng mahina saka tumalikod ng bahagya sa kanya para maitago ang kilig.

"Ano kaya kung bumili muna tayo ng computer na gagamitin sa shop? At iiwan ko nalang doon." suhesiyon ko, dahil maaga pa naman.

"Ngayon na?" tanong nito saka tumingin sa relo.

"Oo." sagot ko.

"Eh anong oras palang kaya oh, malamang wala pang bukas niyan." sabi nito. 8:15 palang kasi. Eh 10am ang bukas ng mga mall dito. Saka kapag pumunta pa kami eh, baka tanghali na ako makarating sa shop.

"Ahh, yung computer ko nalang pala sa bahay. Lipat natin sa shop." sabi ko. Hindi ko rin naman kasi masiyado nagagamit iyon dahil etong laptop nalang ang madalas kong gamitin.

"Sige, sige. Ubusin mo na muna yang kape mo." sabi nito saka tumayo. "Maliligo lang ako ha." paalam niya saka dali daling umakyat ng kwarto.

Sa pagmamadali nito ay naiwan niya ang cellphone nito sa tabi ko. Nilingon ko muna kung nakapasok na ito sa kwarto saka kinuha ang cellphone nito. Wala naman itong password kaya agad kong nabuksan. Mabilis na nahanap ko ang messenger app nito saka in-open. Nang makita ko ang conversation nila ng ex niya, binuksan ko ito saka nagsimulang magbasa. Inumpisaha ko muna sa pinaka-unang mensahe.

Love and Lust Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon