Chapter 6

5.8K 78 6
                                    

Makalipas ang dalawang linggo at nakabalik na ng Pangasinan sina Mommy. Si Danny, hmm.. hindi parin nakakabalik ng Baguio, ang huling message niya sa akin ay mag e-extend muna siya duon ng isang linggo pa para mas mabantayan pa si Lola at makapag bonding din sila dun kasama ng mga kapatid niya.

Back to normal na naman ako, Shop, bahay, pasyal... parang gusto kong maiyak ngayon, bakit nga ba? ewan ko. Ah basta gusto kong umiyak, kaya manonood ako ng drama movies!

Tumayo ako saglit at kinuha ang Laptop ko sa Bag ko saka bumalik sa kama. Naghahanap ng drama movie na pwedeng mapanood. Iiyak muna ako bago matulog, hahaha.

Nasa kalagitnaan na ako ng pinapanood ko at hayan na nga, umiiyak na ako. Humahagulgol na talaga ako. Napatili ako sa sobrang gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Natulala muna ako sa nakita bago ko naramdaman ang excitement! Si Danny! Oh my god!

"Surprise?" bungad nito.

Tumayo naman ako agad saka ito niyakap ng mahigpit at tinuloy ang paghagulgol, hahaha pabebe epek.

"Sabi mo mage-extend kapa ng 1week?!" Sabi ko saka ito sinuntok ng mahina sa matigas na dibdib nito.

"Oh, bat ka umiiyak? Shinong nagpaiyak sha Baby ko?" natawa naman ako sa ginawa nitong pagbaby talk sa akin. "Ano na naman bang pinapanood mo?" tanong nito saka naglakad papunta sa kama ko at sinilip ang pinapanood ko sa laptop.
Pasinghot singhot pa akong pinunasan ang mga luha ko.

"Sabi ko na eh! Nanonood kana naman ng drama! Ikaw talaga, ang cute mo!" gigil na sabi nito saka pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Namiss kita babe..." sabi ko saka niyakap uli siya ng mahigpit.

"I missed you too babe!" sagot nito saka hinalikan ang noo ko, ilong at labi.

"Bakit nga ba umabot ka ng dalawang linggo dun? Hindi mo tuloy naabutan sina Daddy, hinahanap ka kaya niya. Eh alam mo naman yung si Daddy, paborito kana ata eh." sabi ko saka umakyat sa kama at naupo. Pinatay ko narin ang Laptop ko at itinabi ito. Tinabihan naman ako ni Danny sa kama saka inakbayan.

"Ahhh, hmmm... si Lolo at Lola kasi, parang wala na atang balak na pabalikin ako ng Baguio eh, andami nilang ginawang pambubudol sakin dun para lang mas tumagal pa ko duon, haha lalo na yung mga kapatid ko dun." pagkukwento nito, natawa nalang ako at yumakap sa braso nito.
"Alam mo, naisip ko.. pano kaya kung, kunin ko nalang sina Lolo at Lola duon?" saad pa nito.

"Papano yung mga kapatid mo dun?" tanong ko, naisip ko kasi, may tatlong binatilyong mga kapatid siya duon at Lolo at Lola niya ang tumitingin dahil na rin nagtatrabaho si Tita Jane, ang ina ng mga kapatid nito.

"Hmmm, kukuha nalang siguro ako ng makatulong nila duon at ako nalang ang magpapasweldo, pwede naman silang mamasyal masyal dito eh, hindi pa din naman nakaka akyat ng Baguio mga kapatid ko." sagot nito.

"Nasabi mo na ba yan kay Tita Jane? Kina Lolo?" tanong ko pa.

"Kay Tita Jane nasabi ko na. Sasabihin ko palang kina Lolo. Pumayag naman si Tita Jane eh. Yun nga lang, hindi ko alam kung mapapapayag ko sina Lolo, eh alam mo naman si Lolo, bahay niya yun eh.

Napabuntong hininga nalang ako saka isinandal ang ulo ko sa nalikat nito.

"Teka, kamusta ka naman? Kamusta yung pagbabakasyon nila Daddy?" tanong nito, parang nakaramdam ako ng kilig nung tinawag niyang Daddy ang Daddy ko.

"Okay lang naman, masaya. Hay nako, buong bakasyon nila, puro kami gala, hahaha, sinulit na din kasi naman kasi,pagbalik nila ng Pangasinan eh puro na naman sila trabaho." tuwang tuwa kong sabi.

"Hmmm.. muka nga, pero bat humahagulgol ka kanina?" pang aasar nito saka hinawakan ang baba ko at inilapit ang mukha nito sa mukha ko.

"Wala! Gusto ko lang umiyak, bakit ba?" inis kong sabi saka inipit ng mahina ang matangos na ilong nito.

Love and Lust Part IIWhere stories live. Discover now