Chapter 8

5.4K 74 4
                                    

"B-babe! T-tulong..." garalgal ang tono ng boses ko na tumawag kay Danny.

"Babe??? Anong nangyari?! Nasan ka at pupuntahan kita!" pag aalalang tanong ni Danny at alam kong natataranta na siya.

"N-nandito ako s-sa bahay... T-tulungan mo ak-o." patuloy parin ang pag iyak ko. "P-please..." nang masabi ko iyon ay agad na namatay ang call.

Maya maya pa ay narinig ko na mula sa baba na dumating na si Danny.

"Manang Josie! Si Eunice po? Anong nangyari sa kanya at nasan siya?!" si Danny na iyon.

"Naku sir, bilisan mo! nasa loob ng kwarto niya, kailangan niya ng tulong!" umiiyak na din si Manang Josie.

Malalakas na yabag at malalaking hakbang ang narining ko mula sa hagdan, at biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Babe!!---"

"Surprise!!!!" nakatayo ako sa kama at itinaas ang mga kamay ko at hawak ang regalo ko sa kanya. Tawang tawa ako sa ginawa ko, hahaha. Na-prank!

"Babe naman... wag naman sanang ganun! pinag alala mo ako ng husto, alam mo ba yun?" nakapameywang pa ito at namumula ang mukha sa sobrang gulat, hahaha.

"Hindi mo ba nagustuhan? Nag-effort pa naman ako." bumaba ako sa kama saka parang batang nakayuko.

"Hindi naman sa ganun, ang aga aga kasi, tatawag ka ganun yung maririnig ko, lalo na ikaw yun, sobra talaga akong nag alala." sabi nito saka lumapit sa akin, nagbuntong hininga at pinagmasdan ang mga gawa kong sorpresa para sa kanya bago nagsalita, "Salamat... Thank you babe... kahit pinag alala mo talaga ako, tignan mo nga at dinamay mo pa si Manang Josie." turo nito kay manang Josie na nakangiti pa.

"Happy birthday... I love you! Promise, di ko na uulitin...Heto nga at may regalo pa ako sayo." sabi ko saka ito iniabot sa kanya at saka siya niyakap.

"Hmmm... ano ba to?" tanong niya saka inalok alog ang nakabalot na box na bigay ko sa kanya.

"Buksan mo kaya!" sabi ko saka ito inirapan.

Umakto pang parang bata nang makita nito ang laman ng box. Ang laman kasi nun ay isang mamahaling relo. Rolex. Kinuha ko ito sa kanya saka isinuot sa kamay niya.

"Alam mo, mas bagay kung tatanggalin mo yang bracelet mo. Kelan kapa natutong magsuot ng ganyan? Ngayon ko lang napanain yang bracelet mo ah." sabi ko saka tinanggal ito aa kamay niya at inilagay sa bulsa niya.

"Salamat babe... I love you!" sambit nito saka ako hinalikan ng matagal aa labi. "Basta 'wag mo nang uulitin yun ha?" hinawakan nito ang baba ko saka ito iniangat para magpantay ang mga mukha namin.

"Promise, hindi ko na uulitin... sorry na babe..."

"Okay na, okay na.. haysst, kung hindi lang kita mahal eh." sabi nito saka ako niyakap. "Okay lang, kahit pati si lola eh nag alala." kumalas ako sa pagkakayakap nito nang marinig ang huling sinabi nito.

"Andito sila???" agad na tanong ko naman.

"Surprise?" natawa nalang ako sa nasabi niya.

------

"Hi everyone!" bati ko pagpasok namin ni Danny ng bahay niya.

Na-guilty naman ako nang makitang pinapatahan ni lolo si lola na umiiyak.

"Apo! Ano bang nangyari sayo?" umiiyak parin na sabi ni lola.

"Hala lola... sorry..." agad ko naman itong pinuntahan aaka niyakap.

"Sus, ginoo, akala namin eh napano kana iha." si lolo naman na natatawa na.

"Lola, tahan na... hindi ko naman alam na nandito kayo eh, wala kasing nababanggit si Danny sa akin na darating kayo." paliwanag ko pa habang hinahagod ang likod ni lola para mapatahan sa pag iyak. Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak.

Love and Lust Part IIजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें