Chapter 2

31 3 0
                                    


"Yuri!"

Kilala ko ang boses na yun. Nakarating na pala sya.

Agad namang lumapit sa inuupuan ko si Adam. Isa siya sa matagal ko ng kaibigan.

"Nakain ka na naman? Di ka naman nataba!" Pang-asar neto sabay dakot sa fries na nasa table ko. Tinapik ko naman ang kamay niya.

"Tss. Bago ka ng bago noh?" Tinarayan ko siya. Ganyan kami niyan. Puro asaran. Kung wala nga lang itong girlfriend ay matagal ko ng iisipin na gusto niya ako. Hindi ako assumera dahil nagkagusto sakin ito dati pero wala, kaibigan lang tlaga tingin ko sa kanya. Mas okay na kaming ganon.

May kinalikot siya sa phone niya.
"Papunta na daw si bakla." Tawa niyang sabi habang di nakatingin sakin.

Siya si Adamson Villaluz. Ang baklang tinutukoy niya ay si Lemuel John Verano o LJ.

"Si Gin?" Patungkol ko sa isa naming kasama. Pupunta kasi kami ngayong La Union para makapagbakasyon man lang. Lahat kasi kami ay magiging sobrang busy na. Syempre, adulting.

"Dun na daw natin siya sa terminal kitain. Dun sya malapit eh." Tumango ako.

Maya-maya pa ay dumating na si LJ at nag-umpisa na kaming bumiyahe. Excited ako! After grad ay ngayon nalang ulit ako nakalabas ng Manila. Ang busy kasi nila Mama kaya di ko na sya inabala. Hindi pa rin ako nakakabisita sa hotel na balak ko naman pero pinag-iisipan ko pa yung tungkol sa sinabi ni Kyle. Hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung ano yun.

After 6 hours ay nakarating na kaming La Union. May kamag-anak dito si Adam kaya dun kami tutuloy sa kanila ng ilang araw. Odiba nakatipid kami ng gastos. Okay yun.
Alas 4 na kami ng umaga nakarating kaya pare-pareho kaming sabog at masakit ang pwet. 6 hours yun! Sarap mag-inat!

"OMG. Welcome to La Union!" Masayang sabi namin pagbaba ng bus. Nagstart na rin ako mag-vlog habang papunta sa bahay ng pinsan ni Adam. Grabe, ito talaga yung gusto ko. Yung amoy ng paligid pag gabi at madaling araw. Amoy damo at ang daming stars! Nakasakay pa kami sa likod ng tricycle kaya mas kita yung paligid. Medyo creepy kasi walang streetlights and sobrang dilim pero keri lang. I love this!

Hindi na kami masyado nakapag-usap pagdating sa bahay dahil pare-parehas kaming antok na. Bungalow type lang yung bahay at komportable. Mababait din sila Ate Raquel na asawa ng pinsan ni Adam na si Kuya Ken.

Halos 8am na kami nagising para mag-almusal.

"San tayo ngayon?" Si Gin. Gin Angelo Ramores.

"Gusto niyo ba umakyat ng bundok? May alam kaming bundok dito at may falls don." Sabi ni Kuya Ken.

"Umakyat na kami don nung nakaraan kaya sasamahan namin kayo. Aba minsan lang may bisita dito na taga-Maynila!" Masayang sabi ni Ate Raquel na may punto pa. Di ko alam kung bisaya ba o Ilocano. Nilapag niya din ang isang plate ng bacon sa mesa. Naglaway tuloy ako.

"Nako mapapasabak tayo sa lakaran." Nakangiting sabi ni Adam.
Mayabang naman akong ngumiti dahil hindi na bago sakin ang pag-akyat ng bundok. Ilang beses na rin kasi akong nakaakyat ng bundok around Rizal pa nga lang. Pang-4 ko na ito kung sakali.

"Well, sisiw nalang sakin yan." Sabi ko.
"Wooooow! Bida ka na niyan?! Palibhasa magaan ang katawan mo dahil payat ka!" Tumawa kami.
"Tama nga yon at makapag-exercise kayo! Ang tataba niyo nga oh!" Turo ko sa kanilang tatlo. Malalaman kasi sila hahahaha at ako lang ang payat na nasa loob ng bahay na ito ngayon.

"Aba gusto mo atang umuwi agad ng Manila?" Pananakot sakin ni LJ sa pinakamataray niyang tono. Baklang to tlaga!

Pagkatapos naming mag-ayos at kumain ay sumakay na kami ng tricycle papunta sa paanan nung bundok. Dumaan pa kami sa grocery na pagmamay-ari nila Kuya Ken para sa pagkain na dadalhin. Siguro ay ito ang pinagkakakitaan nila dito.

7 kaming lahat kaya dalawang tricycle ang sinakyan namin ppunta doon. Nauntog pa nga ako sa bubog ng tricycle dahil bako-bako ang daan. Hindi kasi sementado ang daan paakyat kaya mabato. Kinuha ko naman ang cellphone ko dahil may nagtext.

From: Mama

Andyan na ba kayo anak? How was it?

To: Mama

Yes ma. Paakyat kami sa bundok now and baka walang signal. Text u later. :*

Itatago ko na sana ang phone ko ng makareceive ako ng text galing kay Kyle.

From: Kyle

Ate! I heard nasa La Union ka? I'm here at Seleno. And guess what? Nakita ko na naman sila!

Anakng.

Ano namang gngawa niya sa Hotel Seleno? Wala namang okasyon ngayon at ang alam ko ay may pasok siya sa summer class nya.

To: Kyle

What r u doing there?

Hindi naman na nagreply si Kyle. O dahil mahina na signal ko. Tsk
Para tlagang pusa yun minsan. Kung saan-saan nagsusuot!

Pababa na kami ng bundok after 8 hours ata? Grabe I cannot feel my feet anymore! Ang sakit! Feeling ko namanhid na.

Lupaypay kami pag-uwi at pare-parehas na pawis at pagod. That was a thrilling experience huh!

"Ay phone ko pala." Kinuha ko phone ko to see one message from Kyle. Agad ko naman na binuksan.

From: Kyle

Tita caught me!

Napatampal ako sa noo ko. Anakng!

Project LUNAWhere stories live. Discover now