Chapter 7

21 1 0
                                    


"Keep an eye on Aegan as much as possible. May rason kung bakit sa hospital na iyon kita gustong makapasok."

Hays. Dapat masaya ako na natanggap ako sa St. Michaels sa unang trabaho ko pero bakit feeling ko eh hindi lang pagiging psychometrician ang role ko dito?

Ay hindi pala feeling, kasi hindi lang yun ang dahilan nila. Tss.

Almost a month na ako dito sa St. Michaels and fortunately, normal naman ang takbo ng trabaho ko. Minsan nakakasalubong ko si Aegan at pumupunta pa tlaga sya sa dept namin para kamustahin ako. Okay naman sya sa totoo lang kaso sadyang maraming chismosa sa paligid pati na mga nurses dito ay nililink ako sa kanya. Hindi ba pwedeng kaibigan ko lang yung tao?

"Uy Yuri, sabay ba ulit kayo ni Doc Ae maglunch? Pwede sabay ako?" Kinikilig na sabi sakin ni Dana, kasama ko din sa ward.

"Hindi ko alam eh pero sige sumabay ka na. Basta pahingi ako ng sinigang ha?" Biro ko sa kanya. Yun kasi ulam niya ngayon at kanina niya pa ako kinukulit na sumama sakin kapalit ng sinigang niya. Hahaha pabor diba? Makakain ko paborito ko!

"Yuri alam mo ba.." Bulong naman sakin ni Sanya, sila ni Dana ang close ko dito at sigurado akong chismis na naman ang sasabihin sakin neto. Lalakas ng radar eh.

"Ano yun? Bagong chismis?" Natatawang sabi ko.

"Medyo hahaha pero kasi ganito." Napatingin naman kami ni Dana sa kanya dahil sa seryoso yung boses niya.

"Ano ba yan pabitin! Ano yun?"

"Wag ka maingay Dana. Kanina kasi napadaan ako ng ER tapos nagkakagulo sila. Code red."

"Oh eh bakit code red?"

"Nagkaroon daw ng shoot out sa Ildefonso kanina. Ang daming nadamay! Kaya ang Aegan niyo at yung higad na laging nakadikit sa kanya busy ngayon sobra!"

Shoot out? Malapit lang sa bahay namin ang Ildefonso.

"Alam mo ba bakit nagkaroon ng shoot out?" Tanong ko.

She pouted. "Ang sabi may mga armadong lalaki daw na biglang dumating sa palengke ng Ildefonso. Parang may hinahanap sila eh."

"Grabe. Hindi kaya mga terorista sila? Oh my god nakakatakot." Wika ni Dana habang nasa bibig ang kamay.

"Bumalik na muna tayo sa trabaho."

Kinuha ko na ang chart ko para puntahan ang pasyente sa Room 623.

Hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Sanya. Malamang sa mga oras na ito, busy na sila mama. Ano kayang hakbang ang ginagawa nila? At may dapat ba akong gawin?

Napatigil naman ako sa paglalakad ng tumunog yung phone ko.

Si Aegan.

"Hello?"
"Yuri." Halata sa boses niya yung pagod.
"Bakit? Nabalitaan ko yung sitwasyon niyo sa ER. May problema ba?"
"Hintayin mo ako after ng shift mo. May kailangan tayong gawin."

Napahinga ako ng malalim. Hindi maganda ang kutob ko. Mag-uumpisa na ba kami?

"Sige."
"At hindi kita masasabayan sa lunch. Hays. Gutom pa naman ako." Parang batang sabi niya.
"Okay lang. Dadaan nalang ako siguro dyan. Bye."
"Bye princess."

Tss lagi niya nalang akong tinatawag na princess! Psh.

Room 623

"Akemi Manuel"

Basa ko sa name ng pasyente sa kwartong ito.

Kumatok muna ako bago pumasok. There she is. Nakatulala na naman. Walang emosyon sa mukha.

"Hi Akemi!" Masiglang bati ko sa kanya habang inilalapit yung upuan sa higaan niya.

Akemi is a 17 years old girl suffering from Akinesia Extrapyramidal Symptom involving slow motor activity and emotionless face and speech.

"Buti dumating ka." Walang emosyong sabi niya.
Hindi ko mapigilang hindi maawa kay Akemi. Sa totoo lang, pwede na syang lumabas dito pero sa di malamang dahilan, hindi sya pinapalabas ng mga kamag-anak niya.

"Oo naman hindi pwedeng hindi kita puntahan." Ngiti kong sabi.

Inabot ko sa kanya yung libro na matagal ko ng gustong ipabasa. Me before you.

"Basahin mo yan ah. Para kahit papano hindi ka mainip."

"Ate Yuri, bakit hindi pa ako lumalabas? Malala ba yung sakit ko?"

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Dumating kanina si Kuya." Walang emosyon niyang sabi pero nababasa ko sa mga mata niya yung .. lungkot.

"D-dinalaw ka?" Tumango siya.
"Sabi niya hindi pa daw ako pwede umuwi kasi mas ligtas daw ako dito. Hindi ko po maintindihan. Dati ayos lang naman na nasa bahay ako kahit ganito ako, hindi na ito bago sa akin eh pero ngayon ayaw na nila na nasa bahay ako. Ate ayaw na ba nila sakin? Pagod na sila sakin? Pagod na ba silang makita akong parang robot?"

Tumutulo ang luha sa mga mata niya pero iisa pa rin ang expression nito. Blangko.

"Wag mo sabihin yan. Siguro may dahilan lang ang kuya mo. Iuuwi ka rin niya okay? Makakauwi ka rin sa inyo."

Iniabot ko sa knya yung gamot na kailangan inumin niya sa oras na to. "Inumin mo muna to, para pag sa susunod na dumalaw ang kuya mo mas okay na ang pakiramdam mo."

Inabot niya naman ang gamot at ininom.

"Salamat po sa libro ate." Seryosong sabi niya habang pinipilit na gayahin yung ngiti ko kahit na nagmumukha itong pilit.

"Hahaha mas maganda ka talaga pag nakangiti. Galingan mo sa mga theraphy mo ah?"

Tumango siya. "And ate, pag ginalingan ko pakisabi sa kuya ko ginagalingan ko. Gusto kong sabihin mo yung kay Kuya Aki yon ha?"

Tatango na sana ako ng may iabot sya saking calling card.

"Ayan daw number ni Kuya. Tawagan mo sya para sakin ah? Mukha rin kasing malungkot at maraming iniisip si Kuya. Tawagan mo sya ha?"

Ngumiti ako at kinuha yung card. Bawal talaga samin to pero mukhang kailangan kong kunin. Ayaw ko ng dagdagan pa yung lungkot ni Akemi.

"Sige Akemi. Mauuna nko. Magpahinga ka na."

Tiningnan ko ang card bago isarado ang pinto.



+63995345****
Mr. Akihiro Shimamura
COO - M&S Food Corp.

Project LUNAWhere stories live. Discover now