Chapter 5

26 1 0
                                    


Ilang oras matapos ang usapan namin ni Mama ay heto ako, Tulala na nanunuod ng TV kahit di ko naman maintindihan ang pinapanuod.

"We are working for the government, we are higher than NBI, FBI and NIS. We are a private organization who helped them in specializing human forces. I was a Spy and your Papa is a special agent, and you are our legacy."

"We are working for the government, we are higher than NBI, FBI and NIS. We are a private organization who helped them in specializing human forces. I was a Spy and your Papa is a special agent, and you are our legacy."

"We are working for the government, we are higher than NBI, FBI and NIS. We are a private organization who helped them in specializing human forces. I was a Spy and your Papa is a special agent, and you are our legacy."

Paulit-ulit yang nasa isip ko hanggang sa makahiga ako dito sa sofa.

Anong nangyari? Akala ko .. akala ko simpleng dahilan lang ang rason behind that floor. Anakng.

--
"Spy? Agent? Oh my god." Wala sa sarili kong sabi. Tumango lang si Mama.

"Eh ako? Anong role ko dyan?" Tuliro kong tanong.

Lumipat ng upuan si Mama sa tabi ko.

"You are neither, sa ngayon. I'm sorry but one day, you need to be both. You're destine to be both."

Lalo akong napanganga sa sinabi niya. I don't know how to react and say!

"Mama will be here. Hindi naman kita pababayaan habang andito ako. Habang buhay ako."

"Sino sa pamilya natin ang nakakaalam neto?"

Umiwas siya ng tingin "Your grandparents since wala na sila Mama at Papa, your titos and titas."

"Hindi dapat alam to ng mga pinsan mo because this can be dangerous for them. Hindi namin kayo macocontrol at mapoprotektahan lahat. At isa pa, labas sila sa buhay namin noon, I'm sorry anak." Niyakap niya ako.

"Dangerous for them? Bakit sakin hindi?" Kumalas ako kay Mama. Parang gusto ko magalit.

"Ma how about me? Y-you've decided on something I have no control of how you want me to be! Is it not dangerous for me? Of course it is!" Naiiyak na sambit ko. Tumayo ako sa dining at naglakad pabalik-balik sa office.

Sumunod naman si Mama habang umiiyak.

"How about my dream Mom? Am I still allowed to get a hold of that?"

"Of course! Of course anak. Your dreams still matter. Of course." Tinitigan ko si Mama. It hurts to see her cry like this pero I'm confused and hurt also. Pakiramdam ko ay inalisan nila kami ng normal na buhay. Pakiramdam ko ay sila na ang nagdikta ng pagkatao namin without us knowing it.

"I am not forcing you now. I know you're not ready and .. God knows how much I wanted to give you a normal life. But alam kong darating ito, anak parte na ito ng pagkatao ko, namin ng Papa mo. We're still doing this hindi para samin kundi para sa ikatatahimik ng bansa at ng mga nakatira dito. Kailangan tayo ng Presidente. Kailangan tayo ng bayan."

"President of the Philippines? Really? Ha." Hindi ko alam ang sasabihin! Parang, parang nagkaroon ako bigla ng mabigat na obligasyon sa Presidente at sa bansang ito! Tsk!

"Mama anong ginagawa ng police? Sundalo? Army? NBI?! Mama naman! Ano kayo, bala sa gera?"

Kaya ba dati-rati pag may gulo sa ilang panig ng bansa ay aligaga din si Mama na halos di na nauwi ng bahay? Kaya ba nagsara noon ang Hotel Seleno dahil sa nakapasok na terorista daw sa bansa? Anong kinalaman ng hotel?

"You don't understan-"

"Then make me understand, Ma." I firmly said.

Pinunasan niya ang luha niya at hinawakan ako sa kamay.

"Yes I'm going to tell you everything. Everything."

Naupo ako sa sofa na andon at tumitig sa sahig. Pumunta naman si Mama sa dining at may tinawagan.

"Go back to your room for now. Rest and eat properly. We're going to Dela Rosa's at 5pm."
--

It's quarter to 3pm na but hindi pa rin ako nakain o naligo. Parang na-drain ako sa mga nalaman ko at parang gusto ko magsisi na nagtanong pa ako. Hayst!

Pinatay ko ang TV at lumipat sa kama ko. My brain needs to rest kahit 1 hour lang.





Nagising ako sa ring ng phone ko. I reached for it at sinagot ang natawag.

"Hello?"

"Yuri! It's me!" Hindi ko siya nabosesan kaya tiningnan ko ulit kung sino caller pero unregistered number ito.

"Uhh who's this?"

"This is Yana!"

"Ow hi! Sorry I was sleeping kasi."

"No, I'm sorry kaya pala ganyan boses mo nagising pala kita. I will say lang na punta ka sa birthday ko. Dito lang sa bahay and catch up, you know. Miss na kita eh! Miss ko na kayo. Anyways yun lang and save this number. Delete mo nalang yung dati."

Malapit na pala magchristmas.

"Yeah I'll be there. Miss you rin! See you soon. Gonna save this, bye."

"Bye Yuriel!" Napangiti naman ako. She has this hobby of calling me names like Yuriel; combination of my nickname and real name, Amber, Uri, Uriel, Yuriko, Lulu and even Luna. Tss

I remember why she called me Luna. It is because of the picture na nasa kwarto ko, na painting naman na nasa office ni Mama. Siya palang ang nakakita ng picture ko na yun since madalas siyang labas pasok dun noon. She called me Luna kasi bagay daw. Parang ako daw yung moon. Parang iisa daw kami and Luna means "the moon."

Bumangon na ako at nag-ayos. 4:25pm na kaya naman mabilisan lang akong naligo dahil napakabagal ko dun.

Sa totoo lang ay ayokong pumunta dahil may malalaman na naman akong panibago. Ayaw pa rin maprocess ng utak ko eh. Kaso ginusto ko to diba? Ako nagtanong? Tsk!

Nakasuot lang ako ng simpleng red tshirt at ripped jeans and vans snickers. Nagdala na din ako ng itim na cap na lagi ko ding bitbit.

Kinakabahan ako. Sino ba mga Dela Rosa? Kasama ba yun nila Mama? Parang narinig ko na kasi ..



Maya-maya pa ay may kumatok na sa pinto ng suit ko.

"Miss, aalis na po kayo sabi ni Ma'am." Tumango ako.

Wala na bang atrasan 'to?

Project LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon