Chapter 4: LEGACY

22 1 0
                                    


Umaga ngayon at sinabihan ako ni Mama na umakyat sa office niya pagkatapos kong mag-ayos. I'm wearing a black racer back and maong pants na tinernohan ko ng snickers. Niladlad ko din ang maalon kong buhok na hanggang balikat. Di ako girly pumorma eh tsk.
Andito pa ako sa kwarto at naglalagay ng konting lip at cheektint. Okay na sakin to. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa biglaang pagpapapasok sakin ni Mama sa office niya. Bakit kaya?
Di pa naman ako nagbebreakfast. Bat dun agad ang diretso?
On second thought, baka masagot na rin yung mga tanong ko. Di ko naman dapat to gawing big deal kaso ewan ko ba, I just have the feeling na may tinatago sakin si Mama well in fact, dapat alam ko lahat ng bagay tungkol dito dahil ako naman magmamay-ari nito someday.

Lumabas na ako ng suit ng makuntento na ako sa ayos ko. Ang tahimik ng hallway dahil walang tao at mahinang classical song lang ang tumutugtog sa speaker ng hallway. Blue and green yung carpet ng floor at bawat wall ay may nakasabit na painting na ako mismo ang pumili sa mga auctions. Iilan lamang dito ang paintings ko at halos pamilya ko lang ang nakakaalam at iilang pinagkakatiwalaan ni Mama.

Pumasok nko sa nagiisang elevator na dumaraan lang ng 31st at rooftop. Hindi ko alam kung paano nagawa yun pero ayoko ng isipin. Nilagay ko na ang thumbprint ko at kusang bumukas ng elevator. Nagulat din ako dito ng una dahil kailangan pa tlaga ng thumbprint. Actually pwede mo siya hagdanin pero di ka rin makakapasok sa mismong floor pag naghagdan ka kasi kailangan mo din ng thumbprint para ma-access.
Inaamin kong ang floor na ito ang misteryoso dahil sa higpit ng seguridad. Matagal na akong aware na ganito kahigpit dito pero ngayon lang ako nagkainteres alamin kung bakit at anong meron. Wala kasi akong pakialam dati at sabi ko nga, bihira ako pumunta. Bumukas na ang elevator at tanaw dito ang pinto ng office ni Mama. Nasa pinakadulo ito ng hallway. Nakita ko rin na nakatayo dun sa labas si Alice, yung sekretarya niya. Habang naglalakad ay pasimple akong nagmamasid.

May dalawang CCTV sa harap ko

Nilingon ko ang elevator.

May dalawa din sa likod. Tsk!

Ilang hakbang pa ay may nakita akong pinto na walang doorknob malapit sa hagdan na nahaharangan ng glass door at may scanner ng thumbprint.

Dito nagtago si Kyle sa may hagdan at mukhang dito galing yung mga lalaking nakita niya na pumasok sa office ni Mama.

Binalik ko na ang tingin ko sa office. Magkahalong Maroon at puti ang floor na ito. Tanging naiiba lang ang pintong mukhang kahoy sa paningin pero purong bakal na pinto ni Mama. Mukhang bakal din ang pinto nung isang kwarto kanina. Para saan kaya ang pinto na iyon?
May iilan ding paintings pero kapansin-pansin ang 2 rebulto ng anghel na nakatayo sa gilid ng office.

"Good morning, Miss Yuri. Hinihintay na po kayo ni Ma'am." Nakangiting tango nito sakin. Nginitian ko nalang sya at agad na dumapo ang mata ko sa pagbukas niya ng pinto.

Iginala ko ang mata ko at nakita sa kaliwang bahagi ang malaking table ni Mama at sa likod nito ay malaking bintana na tanaw ang kalakhang Manila. Agaw pansin din ang malaking portrait ko na nakaupo sa isang single sofa. Seryoso at hindi nakangiti. Nakasuot ako nun ng isang magarang puting bestida na hanggang tuhod. Nakacross na pang babae ang aking binti at pormal na nakapatong ang aking mga kamay sa aking kandungan. Itim na itim pa ang aking maalong buhok na ang kalahati ay nakaladlad sa balikat at kalahati ay nasa likod.
Ngunit hindi ako sa itsura ko nabibighani sa painting na iyon kundi ang full moon na nasa likuran ko. Naaalala ko ito. Napagplanuhan na noon na ang malaking bintana sa bahay namin ang background ng painting ko pero sa gabing ipininta ito ay kitang-kita ang full moon sa bintana. Hindi siya sinadya. Talagang parang nandun ang buwan para mas pagandahin ang kalalabasan ng painting ko.
May picture na version ito na nakadisplay naman sa dingding ng kwarto ko.

Project LUNAWhere stories live. Discover now