Chapter 3: ROOM

27 2 0
                                    


Pagkabalik na pagkabalik ko ng Manila ay nakipagkita ako kay Kyle. Kinwento niya sakin kung anong nangyari nung nahuli siya ni Mama. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o ano kasi ..

"She caught me! Pero buti nalang di niya ako pinagalitan. I just told her na hinahanap kita don and napadaan lang ako sa Seleno." Nakanguso niyang sabi.

"And she believed you?" Naniningkit kong tanong.

Lumapat ang bibig niya. "I think so? Kasi nagpaalam na ako agad eh. Hindi naman na sya nagtanong."

Hindi ko tuloy alam kung anong iisipin. Gusto kong kwestiyonin yung nakita ni Kyle pero hindi ba OA? Pano kung bodyguards nga lang o business partners?

Wait.

Hindi niya kami pinapapasok sa office niya kahit ako na anak niya ..

Itinagilid ko ang ulo ko habang nagda-drive. "So bakit papasok sa office yung mga bodyguards lang? And kung business partners yun .. hindi ba dapat sa conference room sila mag-usap?"

"Hello Miss Yuri?"

"Where's Mama?"

"May meeting po siya with the Dela Rosa's."

"Where?"

"U-uhm, Sa Sharingla Hotel po."

"Okay thank you, Alice."

Inend ko yung call na nakaconnect sa kotse at lumiko sa pinakamalapit na U-turn.

Hays curiousity kills the cat, huh.

Pagkababa ko ng kotse ay inabot ko na sa valet ang susi ko. Nagulat naman ang ilang employee na nandito dahil bihira ako pumunta dito.

"Good morning, Miss Yuri!" Bati ng guard. Nginitian ko lang ito.

"Good morning, Miss Yuri."

"Good morning." Bati ko.

Tuloy-tuloy lang ako sa reception at kinukuha yung key ng sarili kong kwarto rito. Yes, may sarili akong suit and ako lang ang pwedeng gumamit nun. It is located at the 30th floor kasama ng conference room at dalawang private suit na para lang sa pamilya namin.

"Sino siya?" Rinig kong tanong ng isang babae na base sa uniform ay housekeeper dito.

"Siya si Miss Yuri Asuncion. Siya ang anak ng may-ari nitong hotel! Hindi mo ba siya kilala?" Ani ng kapwa niya housekeeper na masyadong mapula ang lipstick. Duh? Itatanong niya pa ba sayo kung kilala niya ako?

"Totoo ngang maganda siya! Ang amo ng mukha. Hindi sobrang puti pero ang kinis. Bet ko rin yung kulay ng buhok niya! Ano kayang kulay yan? Oww alam ko na bakit sabik siyang makita ng mga lalaking employee dito. Hihi"

Eh? Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Miss ito na po ang susi niyo. Enjoy po!" Masayang bati sakin ng receptionist. Yung tipong kumikislap pa yung mata niya. Ang saya saya naman ata neto.

Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti at lumakad na papasok ng elevator. Dun sa regular na elevator lang ako sumakay dahil ayoko ng masyadong special treatment. Meron kasi ditong elevator na para lang kay Mama at sa pamilya namin pati na rin sa mga business partners niya. Mas mabilis kasi yung ganon lalo na pag big time yung mga guest nitong hotel.

Project LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon