Chapter 6

29 1 0
                                    


Isang linggo matapos lahat ng nalaman ko ay kataka-takang umaakto ako na parang wala lang.
Ngayon ay papunta ako sa St. Michael Hospital para sa interview. Nag-apply kasi ako bilang psychometrician and psychiatric assitant sa psychiatric department nila. Isa ang St. Michael sa maganda at sikat na ospital dito sa Makati. Bumalik na rin ako sa bahay namin sa Makati matapos ang ilang araw na pamamalagi ko sa Hotel Seleno.

Ang hotel na yun. Tsk

Gaya ng sinabi ni Mama non, pwede ko pa ring i-push yung pangarap at trabahong gusto ko. Siya nga ang nagsabi sakin na nangangailangan ng katulad ko dito eh dahil bukod sa gusto kong dito magtrabaho ay kailangan ko ring makapasok dito.

Magara ang hospital at mukhang pang-mayaman. Pinark ko na ang dala kong sasakyan at kinuha ang bag at folder ko na naglalaman ng CV's at psych reports ko kung sakaling kailanganin.

Pinagmasdan ko ang paligid ng hospital. Nasa first floor ang emergency room at syempre ang reception at nurse quarters. Pakalat-kalat ang ilang nurse at may iilang mga taong bantay siguro ng kani-kanilang pasyente. Umakyat ako sa 2nd floor at doon sa bandang dulo ko nakita ang isang food hall at kakatuwang may ilang kilalang fastfood chain sa loob nito pero hindi naman kalakihan. Sa floor rin na ito matatagpuan ang iba't ibang kwarto na hindi ko alam kung para saan. Bago ako pumasok sa elevator ay napansin ko ang map na nakapaskil sa pader para madaling mahanap kung saan ang mga rooms at office. Pasimple ko itong pinicturan para may titingnan ako at hindi maligaw.

Ang office na ppuntahan ko ay nasa 5th floor kaya kailangan kong mag-elevator. Private rooms na ata ang karamihan sa mga nasa floor paakyat. Hanggang 12th floor kasi ang ospital na ito.

4

5

Agad akong lumabas at lumapit sa maliit na reception corner dito kung saan may nurse.

"Excuse me po. Saan po dito ang HR niyo? Mag-aapply po ako."

"Anong name mo Miss?"

"Lauriel Asuncion." Napatigil naman siya at parang may naalala.

"Ah! Sige pasok ka sa room 519 at naghihintay na doon si Doc Arcega."

Nagpasalamat naman ako sa knya.

Mga office at quarters yung nandito sa bahaging ito ng 5th. I wonder kung nasaan ang OR at Psychiatric Ward?


Tiningala ko ang room number bago kumatok.

"Come in."  A woman from her early 40's approached me. She's wearing a white coat na may iilang ballpen sa bulsa neto at may iilang pin ang nakakabit. Itim ang buhok niya na maayos na nakatali sa likod kaya mababakas sa mukha niya ang ganda. Lalo na yung mapilantik niyang pilikmata.

"Good Morning po. I am an applicant I guess you are Doctor Arcega?" Magalang na bati ko dito.

Umupo naman siya sa table niya at iginaya na maupo din ako sa harap niya. Agad na hiningi niya ang CV at reports ko. Tinanong niya din ako sa field na papasukin ko.

"You are an Asuncion." She said it as a statement. Bakit?

"Yes po."

"Your mother already sent me your CV kaya ako ang nagpasa nun sa HR. Ako na rin ang naatasang mag-interview sayo. Well, your reports are quite impressing but we have a format of reports and charts here and iyon ang susundin natin."

"Yes Doc." Naghintay lang ako ng 10 mins doon at iinterviewhin na daw ako agad. Ang bilis pero alam kong may kinalaman na naman dito si Mama.

Pagtapos ang interview ay sumakay nko ng elevator pababa. They will send me an email nalang kung matatanggap ba ako. Kahit naman mukhang kilala niya si Mama ay nagpapasalamat akong dumaan pa rin ako sa tamang process. Ayoko ngang maging bias sa ibang nag-aapply.

Project LUNAWhere stories live. Discover now