36 : Dress

487 21 18
                                    

Sana's Pov :

"Sa wakas, nakauwi rin." Nasabi ko na lamang matapos makabenta ng mga ukay-ukay na paninda ko para sa araw na ito. Nagpahinga't naupo na muna ako sa sofa hanggang sa napansin ko na tila sobrang tahimik ng kapaligiran.

"Momo?" Mukhang wala si Momo dito sa apartment. Agad kong inicheck ang kwarto niya. Wala siya sa loob. Nasaan kaya ang buraot na 'yon? May trabaho kaya siya ngayon? Alam ko day-off siya tuwing linggo eh. Bakit wala siya dito?

Nang makasigurado akong wala nga si Momo sa apartment namin, minabuti ko na lamang na ituloy ang pagpapahinga. Kinuha ko ang aking phone. Nagulat na lamang ako na nagtext pala sakin si Momo kanina.

"Swerte mong bruha ka." Hindi ko naintindihan ang pinagsasabi niya. Ano na naman kayang nakain ng Momo na 'to? Kung ano-ano na naman ang sinasabi.

"Sinasabi mo? Nasaan ka ba? Kaya pala payapa dito kasi walang buraot." Reply ko sa kanya.

"Pauwi na ako diyan sa apartment. Swerte mo talagang babaita ka." Reply niya sakin kaya napakunot-noo na lamang ako.

Makalipas ang mahigit isang oras, dumating na rin si Momo.

"Anong sinasabi mong swerte ako? Paki-explain nga." Panimula ko sa kanya na agad na napangiti sakin.

"Gusto ko lang sabihin na swerte ka."

"Saan?"

"Basta malalaman mo rin."

"Hala. Sabihin mo na. Pa-mysterious ka pa diyan eh. Ano ba kasi 'yon? Kapag hindi mo sinabi, hindi ako magshe-share ng panghapunan mamaya!" Badtrip na sagot ko sa kanya dahilan para mapahinga siya nang malalim.

"Mangako ka sakin na hindi mo sasabihin kay Dahyun."

"Dahyun? Ano namang kinalaman ni Dahyun dito?"

"Pinuntahan niya ako dito sa apartment kanina."

"Tapos?"

"Nagpatulong siya sakin."

"Saan?"

"Isinama niya ako sa mall."

"Nagala kayo?"

"Sinamahan ko siyang mamili ng dress na bibilhin."

"Dress? Close ba kayo ni Dahyun?"

"Malapit na kaming maging close."

"Ganon?"

"Sakin siya humingi ng tulong sa pamimili ng dress."

"Ano ba kasing dress 'yon? Para saan?"

"Slow ka talagang bakla ka. Dress para sayo!" Sigaw ni Momo sakin kaya sandali akong natigilan. Dress para sakin?

"Binilhan niya ako ng dress?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ganun na nga!"

"Pero bakit?"

"Sabi niya sakin may lakad daw kayo bukas."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon