53 : Rough

1.1K 25 41
                                    

Sana's Pov :

Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa isang lugar na tila nakabibingi ang sobrang katahimikan. Ipinikit ko sandali ang aking mata. Nang mumulat ako, tumambad sa aking harapan ang napakaraming tao na nakahandusay sa sahig.

"Na---Nasaan ako?" Kinakabahang sabi ko na may halong pagpapanic dahil hindi ko naman alam kung nasaang lugar ako.

Kinilabutan ako sa nakapaligid saking mga bangkay nang walang buhay na mga tao. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Dahil sa sobrang pagkatakot, nagtatakbo ako palayo hanggang sa mamataan ko sa hindi kalayuan ang isang babae na tila nag-iisa sa kalagitnaan ng kahindik-hindik na lugar na 'to. Dahil sa balabal na nakaharang sa mukha niya, hindi ko siya mamukhaan.

"Miss." Pagtawag ko sa kanya ngunit tila hindi niya ako naririnig. Akma ko na sana siyang lalapitan nang bigla siyang magtatakbo kung saan. Agad ko siyang sinundan hanggang sa malaman ko ang dahilan ng pagtakbo niya.

Papalapit siya sa isang armadong tao na may hawak na isang espada. Kasalukuyang nakikipaglaban sa iba pang tao na halata namang hindi papatalo.

"Anna! Umalis ka na dito!" Rinig kong sigaw ng armadong may espada bago tuluyang lumingon sa babaeng sinundan ko kanina. Anna? Sino si Anna? Hindi natinag ang babae. Ni hindi siya tumakbo palayo. Minabuti niyang kumuha ng isang espada na mula sa namatay na isang sundalo.

"Anna!" Awat ng armadong tao sa babaeng abala na din sa pakikipag-laban.  Sa tindi ng pakikipaglaban, nilipad ang balabal ng dalaga.

Parang huminto ang mundo ko nang mapansin ko ang itsura ng taong nakikipaglaban sa mas maraming tao. Napansin ko rin ang itsura ng babaeng nagngangalang Anna. Bakit magkamukha kaming dalawa? Nakuha ng atensyon ko ang pilat sa kanyang mukha.

Nang mapansin ko na tila nahihirapan na si Anna na labanan ang mga taong kaharap niya, hindi ko napigilang magpanic. Kailangang may gawin ako. Nagmadali na akong tumakbo upang lapitan si Anna ngunit bago ko pa man siya malapitan, sandali siyang nahinto sa pagkilos.

Nanlaki ang mata ko nang makitang hindi niya nailagan ang espadang hawak ng kalaban. Dahan-dahang tumulo ang dugo sa kanyang tiyan kasabay ng pagbagsak niya sa lupa. Ni hindi agad ako nakapag-react, sa mabilis na segundo --- nagtatakbo ang kanina pa'y sigaw nang sigaw sa kanya.

"A---Anna! Ayos ka lang ba?! Hi---Hindi pwedeng mangyari 'to." Tila naluluhang sabi ng armadong estranghero bago tuluyang haplusin ang mukha ng babaeng nagtamo ng saksak sa kanyang tiyan, siya na kamukhang-kamukha ko.

Nang mapansin kong hindi parin nila tuluyang natatalo ang mga sundalong nakapaligid sa kanila, buong tapang akong nagdesisyon.

Hindi pwedeng tumayo na lamang ako dito. Kailangan ko silang tulungan. Nagmadali na akong tumakbo para tulungan sila ngunit hindi naman nila ako nakikita kahit na nasa harapan ko na sila. Bulag ba sila o sadyang hindi talaga nila ako nakikita? Anong klaseng lugar ba 'to?!

"Nandito ako. Pakinggan niyo naman ako. Tutulungan ko kayo!" Nagpapanic na sigaw ko ngunit wala paring epekto sa kanila. Mukhang imposible ngang mapansin nila ako.

"Kim Dahyun, sumuko ka na. Tapos na ang labang ito. Talo ka na!" Sigaw ng isa sa mga sundalo dahilan para agad akong mapalingon sa estranghero na ngayo'y yakap-yakap ang babaeng kamukha ko. Kim Dahyun? Si Dahyun? Siya si Dahyun? Hindi ko agad napagtanto na hindi lang pala talaga sila magkamukha ni Dahyun dahil medyo kakaiba pa ang pananamit at ayos ng kanyang buhok, siya talaga si Dahyun.

It's You [SaiDa Fanfic]Where stories live. Discover now