100 : Gusto Kita

404 14 18
                                    

"You hugged me when I was tired. Your warm touch like spring. Maybe I'm worried. Maybe I'm scared.  I think I'm waiting for you again." 🎶🎶🎶

Jihyo's Pov :

Sa pagbisita kong muli sa mansion, naabutan ko si Chaeyoung na nakahiga sa sofa sa Mansion. Minabuti kong lumapit sa kanya.

Dahan-dahan akong kumilos upang hindi siya magising. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang natutulog siya.

Kahit sa pagtulog, napakayapa niyang klase ng tao.

"Kung pwede lang sana kitang yakapin nang sobrang higit ngayon, gagawin ko." Nasabi ko na lamang habang natutulog siya.

Siguro nakatulog siya sa kakahintay sa pagtawag ni Mina. Akma na sana akong uupo sa tabi niya nang biglang tumunog ang phone niya dahilan para maalipungatan siya.

Balak ko sanang magtago kaso pagmulat pa lamang ng mata niya, ako kaagad ang napansin niya.

"Fairy Queen? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya sabay bangon sa pagkakahiga sa sofa.

"Bu ---Bumisita lang."

"Wala si Dahyun ngayon eh. Kasama si Sana magpacheck-up."

"Ganun ba? Ayos lang. Ikaw naman talaga ang pakay ko dito."

"Ako?"

"Ah. Parang ganun na nga."

"Bakit ako?" Nagtatakang tanong niya.

"Kasi mabait na bata ka?" Nagdadalawang-isip pa ako sa isasagot ko sa kanya.

"Mabait din naman si Dahyun eh."

"Pareho kayong mabait." Dagdag ko kaya naman minabuti na lamang niyang i-check ang phone niya.

Labis ang ngiti niya nang makitang may text message na si Mina sa kanya.

"Sa wakas, sumagot din si Mina!" Nakangiting pagkakasabi niya.

"Ano pang hinihintay mo? Tawagan mo siya. Mag-usap na muna kayong dalawa."

"Fairy Queen, Labas muna ako. Okay? Tawagan ko lang si Mina." Pagpapaalam ni Chaeyoung sabay karipas ng takbo palabas ng mansion upang mas pribado silang makapag-usap ni Mina.

Naiwan ako na napaupo muna sa sofa. Dahil kay Mina at Chaeyoung, hindi ko tuloy napigilang alalahanin kung gaano kasaya ang magmahal.

Nagpatuloy pa ang pagpabalik-balik ni Daniel sa kagubatang pinangangalagaan ko. Gustuhin ko mang umiwas, wala akong magawa. Patuloy parin siya sa pagbalik.

"Hindi tama 'tong ginagawa natin, Daniel." Nababahalang sabi ko nang yakapin niya ako nang muli siyang magbalik.

"At bakit naman? Dahil na naman sa kadahilanang hindi ka tao?"

"Ako ang Reyna ng mga Diwata. May responsibilidad ako."

"Kahit ako naman may responsibilidad bilang sundalo ng Pamahalaan."

It's You [SaiDa Fanfic]Where stories live. Discover now