129 : Duwag

321 15 26
                                    

Momo's Pov :

Matapos hindi maibigay ni Tzuyu ang gatas na initimpla niya para kila Dahyun at Sana, bumalik na kami sa pwesto namin kanina kasama sila Mina.

"Ano na? Kumusta, Tzuyu?" Tanong kaagad ni Jihyo samin.

"Mamaya ko na lang ibibigay yung kay Sana." Matipid na sagot ni Tzuyu.

"Nabigyan mo si Dahyun?" Tanong naman ni Chaeyoung.

"Hindi din." Matipid na namang sagot ni Tzuyu. Ewan ko ba dito kay Tzuyu. Parang natigilan simula noong lumabas mula sa kwarto nila Dahyun.

"Bakit naman? May masama bang nangyari? Inaway ka ba nila?" Curious naman na tanong ni Mina sa nakababatang kapatid niya.

"Hindi, Unnie. Basta." Napapakamot-ulo na sagot ni Tzuyu.

"Teka. Bakit parang namumula ang pisnge mo, Tzuyu? Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Nayeon kaya napatingin na rin ako sa pisnge ni Tzuyu na namumula nga.

"Hoy, Momo! Anong ginawa mo kay Tzuyu?" Agad na tanong sakin ni Jeongyeon dahilan para mapa-react agad ako.

"Aba. Wala akong ginagawa kay Tzuyu ha. Hindi ko rin alam kung bakit para siyang natigilan simula noong puntahan niya sa kwarto yung dalawa." Depensa ko kaagad.

"Etong si Momo. Masyadong seryoso. Nagjojoke lang ako eh." Natatawang sagot ni Jeongyeon. Minsan, masarap pala talagang banatan 'tong si Jeongyeon eh.

Ano kayang nangyari kay Tzuyu? Pumasok lang naman sa kwarto nila Dahyun at Sana. Bigla ko tuloy naalala yung mga pagkakataon na papasok ako sa kwarto nilang dalawa tapos may maaabutan akong kahindik-hindik. Nakakatakot.

Wait. Di kaya ---- Napatingin ako kay Tzuyu na napapahawak sa pisnge niya. Tama ba ang iniisip ko?

"Tzuyu, tell me the truth." Bungad ko sabay hawak sa magkabilang pisnge niya.

"Hmmm? Ano 'yun?"

"Nakita mo bang may ginagawang kababalaghan yung dalawa?" Seryosong pagkakatanong ko sa kanya.

"Ah. Pa ---Parang ganon na nga."

"Damn! Fvck! Shet! So ---Sorry, Tzuyu. Kasalanan ko 'to eh. Hindi ako naging mabuting jowa sayo. Hindi kita nagawang protektahan!" Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko upang suntukin yung pader kaso biglang nagsalita si Jeongyeon.

"Momo, minsan ba may hinihithit kang pinagbabawal sa batas?" Tanong sakin ni Jeongyeon nang may seryosong ekspresyon ng mukha dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Tzuyu, yung jowa mo adik." Sabi naman ni Nayeon dahilan para matawa sila Chaeyoung.

"Huwag niyong ginaganyan si Momo. Kahit na ganyan 'yan, mahal na mahal ko 'yan." Handa na sana akong pagsusuntukin sila Jeongyeon, buti na lang kumalma ako dahil sa sinabi ni Tzuyu.

"Pasalamat kayo kay Tzuyu. Susuntukin ko na sana kayo eh. Buti na lang nandiyan yung mahal ko." Proud na pagkakasabi ko.

"Hmmm. Kung may ginagawa sina Dahyun at Sana ngayon, mabuti pa ---huwag na muna natin sila istorbohin." Sambit samin ni Jihyo dahilan para mapasang-ayon na lamang kami.

It's You [SaiDa Fanfic]Where stories live. Discover now