Agad na umalis si Sharon sa kinaroroonan ng mga sundalo at rebeldeng nagsasagupaan. Nais niya sanang manatili upang tulungan sila Anna ngunit alam niya sa sarili niyang hindi matatapos ang lahat ng kaguluhan hangga't nananatili sa trono ang kanyang ama.
Dumating na sa puntong sawang-sawa na siyang may nadadamay na inosente sa kasamaan ng kanyang ama. Hindi na siya makapapayag pang may muling madamay.
Panahon na para pabagsakin sa kinauupuang trono ang kanyang ama. Wala na siyang pakialam kung maging kapalit man nito ang kanyang buhay. At panahon na rin para muli niyang makausap ang kanyang kapatid na si Kyulkyung.
Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo sa kabayong sinasakyan niya. Sa kanyang pagmamadali, hindi niya mapigilang maluha dahil sa katotohanang wala na ang isa sa mga taong naniwala sa kanyang kakayahan. Walang iba kundi si Tatang Jinyoung.
Namatay ito nang hindi man lang nasasaksihan ang pagbabagong magaganap para sa lahat. Aminado siyang kahit na hindi niya kadugo si Tatang Jinyoung, inituring na rin niya itong tunay na ama.
Sa katunayan, mas naramdaman ni Sharon kay Tatang Jinyoung ang pagmamahal ng isang tunay na ama na hindi niya naramdaman sa tunay na ama niya na siyang Pinuno ng Pamahalaan.
Nang marating ni Sharon ang labas ng Pamahalaan, maingat siyang dumaan sa likod ng Pamahalan kung saan siya dumaan sa pagtakas niya noon. Naabutan niyang nagkakagulo na ang mga mamamayan.
Rinig na rinig niya ang sigawan ng mga ito.
"Pinuno, Lumabas ka diyan. Harapin mo ang mga mamamayan ng Pamahalaan na ito!"
"Hustisya para sa mga inosente!"
"Bumaba ka na sa trono mo, Pinuno!"
"Ilabas niyo ang Pinuno!"
"Tama na ang dahas at pagdanak ng dugo!"
"Gusto namin ng kapayapaan!"
"Bagong Pinuno ang kailangan namin!"
"Pinuno, si Sharon ang nais naming mamuno sa pamahalaang ito!" Nanlaki ang mata ni Sharon sa narinig niya.
"Pinuno, Bakit ikinahihiya mo ang anak mo sa labas?! Anak mo rin siya kahit anong mangyari!" Hindi mawari ni Sharon kung bakit mabilis na kumalat sa buong pamahalaan ang tungkol sa tunay na pagkatao niya.
Dahil sa mga narinig, mas nilakasan ni Sharon ang kalooban niya upang matunton ang kinaroroonan ng Pinuno. Pasikreto siyang dumaan sa mga pasikot-sikot sa pamahalaan upang hindi siya mahuli ng mga kalaban.
-----
Nang bumalik sa Pamahalaanang ilan sa mga sundalong nakasagupaan nila Dahyun, agad silang lumapit sa Pinuno na kasalukuyang nagpapahinga sa trono nito habang pinalilibutan ng iba pang sundalo na naiwan sa Pamahalaan.
"Pinuno, nakasalubong ng aming pangkat ang grupo ng mga rebelde kung saan kasama si Dahyun. Bumalik kami dito upang ipahayag sa inyo ang balita." Sabi ng isa sa mga sundalo.
"Si Dahyun? Magandang balita. Ngayon, bumalik kayo doon upang paslangin ang lahat ng rebeldeng maabutan niyong buhay. Huwag niyong kakalimutan na siguraduhing patay si Dahyun. Kahit anong mangyari, tapusin niyo ang buhay niya!" Utos ng Pinuno kaya agad na muling umalis ang mga sundalong nagbalita sa Pinuno.
Maya-maya, may iba namang pangkat ng mga sundalo ang lumapit sa Pinuno.
"Pinuno, nagkakagulo ang mga mamamayan sa labas. Mabilis na kumalat sa buong Pamahalaan ang balita tungkol sa sagupaan ng mga sundalo at rebelde. Nais nilang pakinggan niyo ang mga hinaing nila." Balita ng isa sa mga sundalo.
YOU ARE READING
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...