48 : Kaibigan

543 15 22
                                    

"Anna, bakit ba nandito tayo?" Tanong ni Dahyun kay Anna nang makaupo sila sa gilid ng batis sa kalagitnaan ng gabi.

"Kakain."

Nang mabasa ni Dahyun ang inisulat ni Anna sa papel, mas napasingkit ang kanyang mata dahil sa pagtataka kung bakit gugustuhin ng dalaga na makasabay siyang kumain gayong halata naman na palagi siyang iniiwasan nito.

"Sasabayan mo kong kumain?

"Ganun na nga."

"Bakit?" Naguguluhan paring tanong ko.

"Huwag mo nang itago 'yang lungkot mo."

"Huh?" Gulat na tanong ko nang mabasa ang sumunod na inisulat niya.

"Hindi maitanggi ng mata mo 'yung pagkalungkot na hindi mo nasalubong ang mga kaibigan mo."

"Ayos lang ako." Matipid na sagot ko sa kanya na abala sa pag-aayos ng pagkaing kakainin namin.

"Huwag mo nang itago yung lungkot mo."

"Matanong nga kita. Bakit parang naiba ang ihip ng hangin?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Diba ayaw mo kong makasama."

"Tama ka."

"Bakit nandito ka sa tabi ko ngayon?"

"Masamang sabayan sa pagkain ang taong nalulungkot?"

"Ako? Malungkot? Hindi. Wala sakin 'yon. Diba nga naging sundalo ako ng pamahalaan. Matapang ako. Ni hindi nga ako naiiyak. Mga babae lang ang umiiyak." Depensa ko mula sa kanya.

"Lahat ng tao umiiyak. Kahit mga hayop may pakiramdam din."

"Anong ibig mong sabihin? Pinaparating mo ba na naiiyak ako ngayon?"

"Ganun na nga."

"Hindi ako naiiyak. Bakit ako iiyak?"

"Dahil gustong-gusto mo nang makasama ang mga kaibigan mo."

"Ganon? Hindi talaga ako sanay na nandito ka sa tabi mo."

"Aalis na ako kung ayaw mo kong makasabay sa pagkain. Ikaw na lang kumain niyan."

Akma na siyang aalis kaya naman pinigilan siya ni Dahyun sa pamamagitan nang pagpapaupo ulit sa kanya sa tabi.

"Sandali. Hindi naman kita pinapaalis."

"Gusto ko lang talagang sabayan ka sa pagkain. Nalulungkot ka. At palagi akong malungkot. Mabuting idaan na lang natin sa pagkain 'yan."

"Ibig sabihin, hindi mo initatangging malungkot ka din ngayon?"

"Aminado akong malayo ang loob ko sa ibang tao. Pero hindi ako sinungaling na tao. Higit na hindi ko pagsisinungalingan ang sarili ko. Oo, malungkot ako."

It's You [SaiDa Fanfic]Where stories live. Discover now