75 : Revelations

465 15 8
                                    

Dahyun's Pov :

"Pangako, Babalik din agad ako."

"Hanggang sa muling pagkikita, Dahyun."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking luha. Isang napakasamang panaginip. Isang bangungot na kung maituturing.

Isang bangungot na alam kong tunay na nangyari mula sa aking nakaraan. Napahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil sa sakit na nadarama.

"Pa ---Patawad, Kyungwan at Nabong." Nasabi ko lamang habang patuloy sa pagbagsak ang aking luha.

Bahagya akong bumangon upang pagmasdan ang paligid ng aking kwarto. Hindi ko inaasahan ang muling pagbisita ni Fairy Queen Jihyo. Nakapwesto siya sa gilid ng bintana habang pinagmamasdan ako.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sabay punas sa luha ko.

"Napakasakit. Diba?" Biglaang tanong niya.

"Ng ano?"

"Alam mo kung anong tinutukoy ko." Seryoso ding pagkakasabi ni Jihyo sakin.

"Tama. Napakasakit mawalan ng minamahal sa buhay lalo pa't wala kang nagawa upang ipagtanggol sila. Hindi ko natupad ang pangako ko sa kanila. Nahuli ako. Nabigo ako. Hindi ko sila naprotektahan." Napatikhom ang kamao ko dahil naaalala ko kung gaano kalungkot ang sinapit nila Kyungwan at Nabong noon.

"Naiintindihan kita, Dahyun. Hindi mo kailangang pigilin 'yang luha mo."

"Naiintindihan? Kung naiintindihan mo ko, bakit hinayaan mong mawala sila sa ala-ala ko? Bakit hinayaan mong makalimutan ko ang ilan sa mga karakter ng nakaraan ko? Sagutin mo ko!" Hindi ko na napigilang mapatanong sa kanya.

"Napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na 'yan noon, Dahyun. Nakalimutan mo sila dahil 'yun ang ginusto mo. Desisyon 'yon ng puso mo. Sa sobrang sakit, pinili mong kalimutan sila."

"At bakit ko gagawin 'yon? Sa tingin mo, maniniwala ako sayo? Baka naman pinapaikot mo lang ako. Inilalayo mo ko mula sa katotohanan. Mas ginugulo mo lang ang isip ko!" Hindi ko na napigilang muli ang luha ko.

"Gustong-gusto kong ipaliwanag nang biglaan sayo ang lahat pero hindi ko 'yun magawa. Hindi ako pwedeng magdesisyon nang basta-basta. Masisira ang lahat ng pinaghirapan ko."

"Kita mo? May kailangan ka sakin. May plano ka. May gusto kang makuha sa mga pinaghihirapan mo. Ano 'yun? Sabihin mo. Natatakot ka na baka malaman ko kung paano ka matatalo? Ganun ba 'yon?!"

"Wala akong pakialam kung matalo mo man ako. Hindi ako naghahangad ng kompetisyon mula sayo. Ginagawa ko 'to para sayo. Ginagawa ko 'to para matulungan ka."

"Jihyo, Hindi kita maiintindihan kung hindi mo sasabihin sakin ang buong katotohanan. Bakit nakalimutan ko sila Kyungwan, Nabong, Anna, Moira at Sharon? Bakit hindi nawala sa ala-ala ko si Kyulkyung? Nasaktan din ako dahil sa mga ginawa niya!"

"Ikaw ang makakasagot niyan, Dahyun. Ikaw ang nagdesisyon na kalimutan sila. At si Kyulkyung? Ginusto ng puso mong magkunwaring kay Kyulkyung lang umikot ang mundo mo noon. Desisyon ng mapagkunwari mong puso!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko dahil sa mga narinig ko mula kay Jihyo.

It's You [SaiDa Fanfic]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant